03

48.3K 1.1K 646
                                    



03




Upon waking up, I had a really bad headache. Kung tutuusin ay hindi na ako makatayo dahil sa sakit. Wala rin ako masiyadong maalala sa mga nangyari kagabi.



I forced myself to get up from the bed and went to the bathroom because I felt like vomiting. What did I drink last night that I'm feeling sick now?



Halos halikan ko na 'yong inidoro dahil sa pagsusuka. After vomiting, I immediately took a shower. Wait, who brought me here last night? Bakit maayos akong nakarating dito sa kwarto ko? It's impossible that I came home alone, right?



"Isabelle, we're here"



"Hmm"



"We're here. Gumising ka na"



Pagkamulat ko ng aking mga mata ay isang anghel ang bumungad sa akin. Teka nasa heaven na ba ako? Bakit may anghel dito?



Char, ang oa.



"Where am I?" Tanong ko nang marealized na si Sean nga pala ang kasama ko. Anghel amp. Grabe na ang tama ng alak sa akin at pati si Sean ay napagkamalan ko nang anghel. Pero it's true rin naman eh, mukha naman siyang anghel. Anghel na cold.



"Nandito na tayo sa bahay ninyo."



I got up from lying down in his car. I'm still sweating until now. When I stood up, my stomach suddenly felt queasy! I couldn't help but vomit!



"God please," sambit niya.


Nagulat ako dahil muntik ko nang masukahan si Sean. Mabuti nalang at sarili ko lang ang nasukahan ko. Mahirap na kung pati si Sean ay madamay pa sa katangahang ginawa ko. Hindi pa naman ako ready na makakita ng abs. For sure kapag nasukahan ko siya ay huhubarin niya 'yong damit niya, tapos mapapatingin ako sa abs niya, tapos ang mangyayari ay magkaka titigan kami, tapos anong susunod na mangyayari?Mahuhulog ako? Tapos ano? Sasaktan niya lang ako? Kaya mabuti nalang at sarili ko ang nasukahan ko.



"Hala, I'm sorry, ha? 'Di ko naman kasalanan na alak pala 'yong nainom ko." Sambit ko sabay suka ulit sa gilid. "You can go home na. Thank you sa paghatid sa akin. Iuwi mo si kuya ko, ha? Tsaka, don't tell my brother that I got drunk." Sambit ko sabay sayaw habang nakaupo.



Bakit nag pa-play parin sa utak ko 'yong budots na music kanina sa bar? Napapasayaw tuloy ako.


"Are you a dancer or what?" Tanong niya. Napatawa ako. Ako dancer? Eh kung tutuusin nga ay hindi ako mapasayaw nina mommy at daddy, eh. "What's funny?" Tanong niya ulit.



"Hindi nga ako mapasayaw ng mga magulang ko dahil hindi ako marunong sumayaw, eh. Nagpapatawa ka ba?" Sambit ko sabay tawa. Ako dancer? Nakakatawa naman.



"Then why the fuck you're really good at dancing when you're not a dancer in the first place?"



Napatitig ako sa kaniya. Medyo hindi na siya blurry ngayon at kitang-kita ko na ang pogi niyang mukha.



"Pumapatol ka ba sa mas bata sa'yo, Sean?" I suddenly asked. Pati ako ay nagulat sa tanong ko.



Sumagot siya nang pabulong pero hindi ko na narinig 'yon dahil sa hina ng boses niya.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon