04

43.5K 1.1K 306
                                    


04


Ang bilis ng panahon. January nanaman at kailangan ko nanaman mag prepare para sa dadating na pasukan.



I looked for my necktie because I forgot where I last put it. Luckily, Manang Fe hid it.


Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon dahil kailangan kong bumili ng bagong school supplies. Nawala na kasi 'yong una kong mga ballpen at highlighters dahil sa pagiging makalat ko. Puno na rin 'yong iba kong notebook dahil lagi akong nag te-take down notes tuwing may discussions ang prof ko.


Magpapasama nalang siguro ako kay kuya para bumili. Papayag naman siguro 'yon.


After getting dressed, I air-dried my hair and styled it into a messy bun. Nagsuot lang ako ng square pants at croptop para naman magmumukha parin akong tao. I also applied a bit of lip tint on my cheeks and lips.


Pagkababa ko ng hagdan ay bihis na bihis din si kuya. "May pupuntahan ka?" He asked.


I nodded. "Magpapasama sana ako sa'yo pero parang may pupuntahan ka rin."


"Hindi naman importante 'yong gagawin ko. Samahan nalang kita tapos diretso nalang ako mamaya sa pupuntahan ko."


"Sige. Tara na, Kuya"

I headed straight to our garage to wait for Kuya. Hindi ko alam kung si kuya ba ang mag mamaneho o si manong Jun, but I hope it's Manong Jun because I might get nervous if my brother takes control of the car. He turns everything into a race. Akala mo siya ang hari ng daan dahil palagi siyang nag o-overtake at ang bilis niya magpatakbo. Daig niya pa ang eroplano!


Pero bigla akong kinabahan nang makita ko si kuyang nakangisi ngayon habang hawak ang susi sa kaniyang kamay.


No.


"Let's go?" Nakangisi niyang sabi.


"Mag co-commute nalang pala ako," sambit ko. I was about to leave, but my brother dragged me into the car. There's no turning back now. Mukhang maiiwan nanaman 'yong kaluluwa ko sa bahay.


"Are you ready?" Tanong niya habang nakangisi parin. Nakakabwisit siya! Nakakainis 'yong pagngisi niya, sa ngisi niyang 'yan ay alam mo talagang may kalokohan siyang gagawin, eh.


"Paandarin mo na. May pa ready-ready ka pang nalalaman diyan," painis kong sabi at humalakhak siya. Parang sira ang unggoy.


"This will gonna be fun"


"Sa'yo oo, pero sa 'kin hindi," busangot kong sambit. Rinig ko ulit 'yong pagtawa niya.


Kaligayahan niya ba ang takutin ako? Tuwing siya ang magmamaneho ng sasakyan ay lagi nalang siyang natatawa dahil sa reaksiyon ko!


Sa mga oras na 'to ay dinadasalan ko na lahat ng mga santo dahil sa kaba ko. Huy ang oa.


I can hardly breathe with my brother's non-stop driving. If I could jump out, I would have done it by now.


In less than 30 minutes, we reached the mall. I sat there, staring blankly, gripping my seatbelt.


"Hey, we're here," my brother chuckled. I wanted to slap him for what he did, but it wasn't an option. I might be the one getting a slap if I did.


Pagkalabas ko ng sasakyan ay napainat ako. Pa'no ba naman eh halos hindi na ako gumagalaw kanina sa buong biyahe kaya sumakit ang ibang parte ng katawan ko.


Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon