05

41.5K 1K 786
                                    

05


Nagmamadali ako ngayon habang hinahanap 'yong librong binabasa ko dahil hindi ko alam kung saan ko nilagay 'yon kagabi. Hindi ko p'wedeng maiwan 'yon dahil start na ulit ang klase. Ang librong 'yon ang binabasa ko tuwing vacant time namin at hindi p'wedeng maiwan ko 'yon.



When I saw that it was just on my table, I just sighed in relief. I checked myself in the mirror to see if I looked weird or something, but my appearance was okay; I looked like a normal person.



I went downstairs to head to school. Kuya Xam was already dressed in his uniform.



"Tara na?" Tanong niya.



"Ikaw ulit mag da-drive?"



"Yup"



Putangina naman oh.



Pumunta ako kay manong Jun para pakiusapan siya kung p'wedeng siya nalang ang magmaneho ng sasakyan. Hindi p'wedeng si kuya nanaman. Aatakihin ako sa puso nang wala sa oras nito.



"Manong, p'wedeng ikaw nalang ang mag maneho ng sasakyan?" Tanong ko.



"Pero sabi ng kuya mo ay siya nalang daw, hija"



"Ikaw nalang, manong, please? May duplicate ba 'yong susi?" Tanong ko dahil nakay kuya na ang original na susi ng sasakyan. P'wede naman naming gamitin 'yong isang sasakyan pero binilin ni mommy na 'yong SUV lang ang gagamitin namin habang wala sila.



"Kinuha rin ng kuya mo ang duplicate, hija"



Napapadyak ako sa inis. I have no choice again. I can't take a taxi because it will take too long, and I might be late for class.



Padabog akong sumakay sa sasakyan. Natatawa nanaman si kuya dahil busangot ang mukha ko.  I just ignored him since I'm annoyed, so I opened my Instagram account instead.



Seanpogi followed you



Napataas ang kilay ko dahil sa natanggap kong notification. Sean pogi? Seriously? Well, pogi naman talaga siya. Pero ang jejemon. Pero okay na 'yon, pogi naman, eh.



This is the only notification that caught my attention. I usually don't check my notifications on IG.



Finollow back ko naman ito agad dahil sino ba naman ako para hindi mag followback 'di ba? Hindi naman ako artista . . .



Inistalk ko siya pero group pics lang nila ang nakapost sa IG account niya. Group pics nila Zen, Yael, Kuya, Miguel, at Sean habang nakasuot ng Jersey. Tinignan ko rin ang display name niya at hindi ko mapigilang mapahiyaw sa kaloob-looban ko dahil ang pogi ng pangalan niya.



Sean Denver West



Hindi ko alam kung ako lang ang napopogian sa pangalan niya. Siguro nga ay malala na ako dahil lahat ng tungkol kay Sean ay pogi na para sa akin.



Tiningnan ko rin ang following niya. Si kuya Xam, Miguel, Zen, at Yael lang ang kilala kong fina-follow niya. May isa pa siyang fina-follow, Ethan ang name, pero hindi ko na ito kilala.



Someone suddenly messaged me, so I quickly tapped on it.



Gina: beh, asan ka na?



Gina has been my best friend since high school. We've always been inseparable. There was a time when she got transferred to another section, but we convinced our teacher to move her to where I was.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon