24

26.1K 707 208
                                    

A/N: Who wants to join the Instagram group chat? So if you have any questions, you can ask me. Drop your usernames so I can add you there : )


"Sean"


"Hmm?"


"Hindi ba masiyadong mabilis? May label na tayo agad."


Kumunot ang noo ni Sean sa tanong ko.


"Mabilis 'yon para sa'yo, Isabelle?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita. Lumapit siya sa akin at hinawakaan ang aking mukha upang ibaling ito sa kaniya. "Pitong taon, Isabelle. Pitong taon akong naghintay, pero kung mabilis 'yon sa'yo, then I will court you, love." kalaunan ay sambit niya.


"Pero sinagot kaso kita kaagad."


"I will court you."


"Pero boyfriend na kita!"


"I still wanna court you."


Nandito kami ngayon sa bench. The school year has started again. After this, kuya will graduate from Engineering na. Wow, nakaka proud.


Hindi ako nagsalita. "What do you want then, love?" Malumanay niyang sambit.


Nagkibit balikat ako. "Wala, Sean. Mag sstay tayo kung anong meron tayo ngayon."


"It's obvious that we really like each other, pero if nabibilisan ka, I will court you. I will court you forever. If you really don't want to have a boyfriend now because you changed your mind, then okay. Liligawan kita. I will wait for you. Kahit habang buhay pa 'ya—"


I hugged him immediately. Seven years. He waited for seven years. Papatagaling ko pa ba?


"Hindi nagbago ang isip ko, Sean. At hinding-hindi magbabago ang isip ko. Wala nang bawian 'to."


Napabuntong hinga siya roon.


"Akala ko maghihintay ulit ako. But I'm willing to wait, Isabelle."


Umiling ako. "Tama na ang paghihintay," nakangiti kong sambit, "magpapabebe pa ba ako? Paghihintayin ko pa ba ang isang Sean Denver? Ang kapal naman ng mukha ko kung ganon."


Ginulo niya ang buhok ko. He was immediately called by his team. They needed to train for their upcoming basketball game against other universities. He asked for my permission right away, and I agreed without hesitation.


I was organizing my things when Tiffany suddenly appeared in front of me.


"P'wede ba tayong mag-usap?" Aniya.


Agad naman akong nagtaka. "Tungkol saan?" I spoke softly while smiling gently.


Naupo siya sa bench kung saan nakaupo kanina si Sean. Agad ko naman siyang tinabihan.


"Kayo na ba?" Pag-uumpisa niya.


Napatingin ako sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya sa harapan.


Hindi naman ako tanga. Alam kong si Sean ang tinutukoy niya.


"Oo." I gave a simple answer and redirected my attention to what was in front of me.


Suddenly, she burst out laughing. I knew that laugh was sarcastic.


"Ang sakit lang isipin na ako ang nasa tabi niya simula pagkabata," aniya, "pero hindi man lang . . . H-Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon." Tumingin siya sa akin. "Noong una kitang nakausap sa game nila, gusto kitang sabunutan pero alam kong magagalit si Sean, at alam kong immature ang gawain na 'yon," natatawang sambit niya, "ang sakit, Alondra. Ang sakit isipin na ako ang nasa tabi niya simula pagkabata pero nasa'yo ang puso niya." She wiped the tears that fell from her eyes. "Nalaman kong Isabelle ang pangalan ng taong gusto niya at nalaman ko rin na matagal na siyang may gusto sa taong 'yon. Ang akala ko ay ako na ang tinutukoy niya. Isabelle rin naman ako. Pero nagkamali ako. Umasa ako. Umasa akong ako ang tinutukoy niyang matagal na niyang gusto. Pero ikaw pala 'yon." Pinunasan niya ulit ang luhang tumulo sa mata niya. "Ano bang meron ka nang wala ako?" Pabulong na sambit niya.


Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon