22

29K 811 246
                                    

Weeks had past at nandito ako ngayon nakatayo sa tapat ng classroom namin, hinihintay ko si Gina. Nauna akong natapos sa exam ko. Medyo kabado ako dahil mayroon akong dalawang number na hindi sure ang sagot. Pero hindi naman siguro ako babagsak kung mali ko ang dalawang number na 'yon. Hindi lang naman sa exam umiikot ang grades, may performance tasks pa naman. Pero malaki ang hatak sa grades ko kapag konti ang nakuha ko sa exams. Huwag naman sana.



Tumingin ako sa relo ko habang hinihintay si Gina. 10 minutes nalang at mag be-bell na. Kailangan ko pang siputin si Sean sa date namin ngayon!



Hindi nagtagal ay lumalabas na si Gina, kunot ang kaniyang noo. "Putangina, hindi sapat 'yong na-review ko!" Painis niyang sambit.



Natawa ako. "Pa'no ba naman eh mas inatupag mo pa ang pag lalandi."



"Ay porket inspired ka lang sa jowabells mo ganiyan ka na. 'Pag ako nagka jowa, sisiguraduhin kong perfect ako sa quiz, exam, at recitation," aniya.



"Siguraduhin mo lang," sabi ko naman, "oh mauna na ako. May date pa ako ngayon." Pagmamayabang ko. Umirap siya sa akin na naging dahilan ng mahinang pagtawa ko.



"Ang yabang porket naging jowa na 'yong crush niya! Tangina niyo, sana all nalang." Naka-pout niyang sambit.



Tinawanan ko lang siya at siya naman 'tong inis na inis dahil sa ginagawa ko. Naiinggit ba naman dahil may label na kami ni Sean samantalang sila ni Zen ay wala pa ata. Ewan ko kung anong meron sa kanila ni Zen, pero halata namang may something sila, e. I don't know. Hindi naman open si Gina tungkol sa kanila ni Zen. Minsan nakikita ko si Gina na tulala pero 'pag tinatanong ko kung anong problema niya ay laging iling lang ang natatanggap ko, kaya hindi ko nalang siya pinipilit na mag open up kasi ayaw niya talagang pag-usapan ang bagay na 'yon. Hihintayin ko nalang na siya mismo ang mag open sa akin.



Nagulat ako nang makaramdam ako ng yakap mula sa likuran ko.



"I miss you, baby," bulong ni Sean. Nakiliti ako sa paghinga niya dahil natama 'yon sa leeg ko.



I faced him and hugged him back. "I missed you too. Sorry it took us this long to be together again. I've been really busy," I replied.



Simula noong papalapit na ang exam, I became extremely busy. I needed to review, submit research papers, plus I had to move my things to my condo.



Sean also became busy because of the exam, so we really missed each other.



"It's all fine. So, where do you wanna eat?" Kalaunan ay tanong niya.



"Anywhere"



"Okay, let's go." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya bago ko tinanggap 'yon at nag-umpisa na kaming maglakad.



Medyo makulimlim ang panahon ngayon. Ang pagkaka-alam ko ay may paparating yata na bagyo. Hindi kasi ako nanood ng balita kagabi kaya hindi ko alam ang latest update tungkol sa weather.



Nag-order si Sean ng rice at kung ano-anong ulam para sa akin.



"Ang dami! Tataba ako nito, love,"  nakasimangot kong sambit.



"Did you just call me love, baby?" Tanong niya.



Ngayon ko lang siya tinawag na love simula nung naging kami.  I got used to calling him 'Sean' or 'Seanong'. I've never called him babe, baby, or mahal before. It's just now. Bakit ba? 'Seanong' sounds cuter, e.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon