18

29.3K 785 434
                                    

"Good morning, baby!" Mom greeted as soon as I came downstairs. Mom was wearing an apron while dad was sipping his coffee.



"Morning po," I replied and gave mommy and daddy a kiss on the cheek.



"Gisingin mo na ang kuya mo, darling," sambit ni mommy sa akin. Tumango ako at agad akong pumunta sa kwarto ni kuya.



Pagkapasok ko ng kwarto niya ay andaming bote ng alak ang nagkalat sa sahig. Napakunot ang noo ko dahil doon.



Agad kong niyugyog si kuya para siya'y magising.



"Kuya, bumangon kana riyan kung ayaw mong tawagin ko si mommy."



Agad naman siyang bumangon. Gulong-gulo ang kaniyang buhok habang pulang-pula naman ang kaniyang mga mata. Parang wala siyang tulog.



"Uminom ka ba? Bakit andaming bote ng alak dito?" I asked, but he didn't respond. Instead, he walked over to his cabinet and took his towel.



"Sasagutin mo ba ako, kuya, o hindi?"



"Ano?" Bumaling siya sa akin habang inaantok pa ang kaniyang mukha.



"Uminom ka ba kagabi?"



"Hindi. Multo ang uminom kaya may bote riyan," sarcastic na sambit niya sabay labas ng kwarto.



Hindi ko nalang 'yon pinansin at agad akong bumaba para kumain.



"Where's your kuya? Sabay na kayong kumain para sabay na rin kayong pumuntang school," sambit ni mommy nang makita niyang mag-isa lang akong bumaba.



"Kagigising lang niya, My. Tsaka susunduin daw ako ni Sean," mahina at nahihiya kong sambit. Napatingin sa akin si mommy na may ngiting nakakaloko sa kaniyang labi. "Mommy, ano 'yang ngiting 'yan?" Nakasimangot kong sambit.



"In love ka ba, anak?" Kalaunan ay tanong niya.



My eyes widened, and I glanced at daddy's direction in case he heard what mommy said, but it seemed like he didn't hear anything.



"Baka marinig ka ni daddy, My," pagsusuway ko. Natawa si mommy roon.



"Asus, dalaga na talaga ang baby ko." Malungkot na sambit ni mommy habang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang mainit na yakap. "What color do you want on your debut? Ilang weeks nalang ay 18th birthday mo na"



Oo nga pala, ilang weeks nalang ay birthday ko na. Parang ang bilis ng panahon.



"Kahit ano po basta 'wag pambata," sambit ko.



Every time kasi na mag papa-party si mommy ay laging barbie ang theme ng birthday ko since birth hanggang 14 years old ako! Grabe, nag me-mens na ako that time pero barbie pa rin.  I mean, Barbie is cute, and it's not just for kids. It's totally suitable for adults too. But they think I'm a child. They even thought I was 8 when I celebrated my 14th birthday.



"As you wish, anak," sabi ni mommy.



I started eating. I was halfway through my meal when kuya came down. His eyes were so red, like he hadn't slept at all.



Ewan ko kung may problema ito o wala.



"Mukha kang sabog, kuya," sambit ko nang maupo siya sa harapan ko.



Inirapan niya lang ako at sumubo siya ng dalawang hotdog at kinuha niya ang isang pritong itlog at spam.



"Xam, kumain ka nga ng kanin!" Pagsusuway ni mommy.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon