31

27.3K 733 896
                                    

Pinagmamasdan ko lang si kuya na mahimbing na natutulog sa kaniyang casket.


Ang sakit. Sobrang sakit. 'Yong taong importante sa buhay ko ay iniwan ako.


I just sat on the floor because I couldn't take it anymore. It's so painful to think that my kuya Xam is gone. He was my superhero, my annoying brother, my protective brother. He's gone now. Wala nang magsesermon sa akin. Wala na.


Sa mga panahon na walang nagmamahal sa akin ay nandiyan ang kuya ko. Sa mga panahon na pang-aapi ang natanggap ko ay nandiyan si kuya. Sa mga panahon na nag be-breakdown ako dahil sa school ay nandiyan si kuya. Paano na ngayon? Ang sakit. Sobrang sakit. Para akong dinudurog. Tangina, ang kuya ko... wala na. 'Yong pinakamabait na taong kilala ko ay wala na.


Parang mas gugustuhin ko nalang na sermon ang matanggap ko mula sa kaniya kesa ganito. Mas gugustuhin ko nalang na strikto si kuya kesa ganito. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko.


I entered the room with my hands covering my mouth, trying to hold back my loud sobs. But I couldn't help but let out a sob when I heard the sound trip of our neighbor. Why did it have to coincide with my current situation?


I remember all those
Crazy things you said
You left them running

Through my head
You're always there
You're everywhere

But right now
I wish you were here


Bigla ulit akong napahagulhol dahil sa sakit na nararamdaman.


"K-kuya ko... bakit mo ako iniwan? A-ang sabi mo babalik ka. Ang S-sabi mo babalik kang maayos na ang lahat. Ang sakit kuya... Iniwan mo ako. Ang sabi mo hindi mo ako iiwang mag-isa... A-ang sabi mo hindi mo ako hahayaang mag-isa." Patuloy parin ako sa pag-iyak.


Bigla akong nakatanggap ng isang katok sa aking kwarto. Agad ko itong binuksan at si manang Fe ang tumambad sa akin, nakahawak siya ng isang papel.


"Nakita ko 'to sa mesa ng kuya mo, hija. Para sa'yo yata," aniya gamit ang malungkot na boses. Agad kong inabot ang papel.


I unfolded it slowly and felt even more weakened after reading my kuya's final message to me.


Andeng,

Pano ko ba uumpisahan 'tong sulat na 'to? Alam kong wala na ako sa mga oras na 'to...

Sorry ha? Sorry iniwan ka ni kuya. Hindi naman ginusto ni kuya lahat ng 'to eh. Pinilit ko namang lumaban pero may taning na ang buhay ko. Hindi ko alam na hanggang dito nalang pala ako. Hulaan ko, umiiyak ka ngayon habang binabasa mo ito, gagi 'wag, ampangit mo na nga tapos iiyak ka pa, foul 'yun. Sorry kung strikto si kuya, ha? Ayaw ko lang na masaktan ang prinsesa ko, ang prinsesa namin. Alam mo namang mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat para protektahan ka. Sorry kung sa mga oras na 'to ay wala na si kuya na yayakap sa'yo habang umiiyak ka. Tandaan mo na hindi ko ginustong iwan ka, bunso. Sadyang oras na talaga ni kuya. Sorry kung hindi ako nagsabi, ayaw ko lang na mag-alala kayo. Oo na't tanga ako kasi hindi ko man lang sinabi. Pero kahit sabihin ko man o hindi, ay hindi na magbabago ang lahat. Mamamatay parin ako. By the way tinupad ko ang pangako kong babalik ako. Bumalik naman ako, bangkay nga lang haha. Andeng, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni kuya. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ulit, pipiliin parin kitang maging kapatid. Masaya ako para sa'yo. Masaya akong nagiging matured ka na. Masaya si kuya dahil meron na si Sean na mag-aalaga sa'yo ngayong wala na ako. Lagi mong tatandaan na palagi akong nasa tabi mo, iingatan parin kita. Kahit hindi na ako nag e-exist sa mundong 'to ay sesermonan parin kita. Alam mo ba na sobrang saya ko noong bata ako dahil nagkaroon ako ng kapatid? Sa wakas ay may kalaro na ako. Lagi kong pinagdadasal noon na sana lumaki kana kaagad para sabay tayong maglaro ng video games. Pero ngayong malaki kana, parang gusto ko nalang ulit bumalik sa pagkabata. Mga panahong walang problema, mga panahong masaya tayo nila mommy. Mga panahong wala pa akong sakit. Alam mo rin ba na sobrang sakit para saakin na muntik ka nang nalunod noon? Sinisi ko ang sarili ko kaya simula noon ay binabantayan ka na ni kuya. Simula noon ay todo alaga na sa'yo si kuya, alam mo kung bakit? Kasi ayaw kitang masaktan, ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko eh. Ansakit na ng kamay ko kakasulat kaya tatapusin ko na 'to. Andeng, mahal ka ni kuya, sobra. Until we meet again my Little Sister. You'll always be my number one and original babygirl no matter what happen.

Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon