30

27.4K 745 752
                                    

"I'm nervous, hon" naiiyak na sambit ni mommy.



They arrived at our house three hours ago. Daddy immediately hugged her.



"It's all gonna be fine. Babalik ang anak natin."



Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.



Nasaan kana, kuya? Naayos mo na ba ang sinasabi mong problema? Nandito naman kami. Tutulungan ka naman namin pero bakit kinikimkim mo 'to. Whatever your reason is, we will respect it, pero tangina, we're family, you should have told us too, kuya.



"Althea, mayroong mga pulis sa labas," kalaunan ay sambit ni manang Fe.



Nanlaki ang mga mata ko roon at agad napatingin sa bintana. Mayroon ngang mga pulis. May mga hawak silang papel, nandoon na rin sina Sean, Zen, Miguel, at Yael.



Agad tumakbo si mommy at daddy patungo roon. Nandito lang ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw.



"Hija, hindi ka ba pupunta roon?" Kalaunan ay tanong ni manang Fe.



"Si kuya, manang," naiiyak kong sambit.



"Natatakot ka ba? Bakit ka natatakot? Wala namang mangyayaring masama sa kuya mo, hija"



Umiling ako. "Paano kung. Paano kung hindi niya nakayanan ang problema niya? Manang kitang-kita ko kung pa'no umiyak si kuya. Kitang-kita ko kung paano niya ilaan ang oras niya sa pag-inom para lang makalimutan ang problema niya. Rinig na rinig ko rin ang pag-iyak niya. Manang, paano kung hindi na niya nakayanan ang problema na dinadala niya?"



Manang Fe hugged me tightly. From where I was standing, I could see Chi sitting down and crying. She's probably feeling nervous about what's happening too.



"Kaya 'yon ni Xam, hija. Matatag naman ang kuya mong 'yon."



I just nodded. I wiped my tears and immediately went outside. I glanced at Chi again, but it seemed like she had no intention of going out and hearing whatever information the police were going to say.



Nang papalapit na ako nang papalapit sa mga pulis ay naririnig ko na rin mula rito ang pag-uusap nila.



"Ito po ang mga nakuha namin mula sa CCTV sa kanto." Ani ng isang Pulis sabay pakita ng isang picture. "Sinundan namin ang direksiyon na pinupuntahan niya, Ma'am."



"Saan siya nagpunta kung ganon? Saan ang anak ko ngayon, Sir?" Kinakabahang tanong ni mommy.



Lumapit sa akin si Sean upang bigyan ako ng yakap. "Don't worry, love," aniya.



"Halos pabalik-balik po siya sa direksiyong ito," sambit pa nung pulis.



"Saan ba patungo ang direksiyon na 'to, sir?" Tanong ni Daddy.



"Hospital po. Hospital po patungo ang direksiyon na 'yan"



Doon na ako muling umiyak. Bakit naman pupunta sa hospital si kuya? Ano namang gagawin niya roon?



Agad lumapit sina Zen sa amin. Ginulo ni Zen ang buhok ko . "Wag kang umiyak. Baka magkakaroon ka na ng pamangkin. Malay mo nanganak 'yong babae ng kuya mo."



"Zeno!" Madiin na sambit ni Sean.



"Ay okay, shut up na 'ko," sagot niya naman.



Daddy immediately went to the garage, and Mommy followed him. I looked at Sean, and he also looked at me.



"Do you want to come?" Tanong niya.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon