47

36.2K 914 789
                                    

When we arrived in La Union, we found Yael, Miguel, and Ethan drinking. They looked at us in surprise because we had luggage with us.


"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Yael, "ba't may bagahe kayo?"


"We're gonna live here," simpleng sagot ni Sean.


Agad namang dumapo ang tingin ko kay Ethan. Feeling ko crush ko siya dahil ang cute niya. Parang siya ang babyface sa kanilang magbabarkada. Agad akong lumapit sa kaniya at kumaway.


"Hi Ethan," masayang bati ko.


Napakurap naman siya sa iniasta ko "H-hello?" Aniya.


"Pogi mo ngayon," sambit ko.


Napatingin siya sa mga kasama niya dahil parang gulat siya sa mga sinasabi ko. "Pre" pagtatawag niya.


"Ganiyan daw 'pag buntis. Hayaan mo na" rinig kong bulong ni Yael.


Alam pala nila na buntis ako? Siguro ay nakadating sa kanila ang nangyari.


"Ah, baka pinaglilihian mo ako ah," sambit ni Ethan.


"Ayaw mo nun? Para maging kamukha mo ang anak ko," masayang sagot ko.


"Shuta, edi nagmukhang ako ang tatay ng bata 'di ba?" Madiin na sambit niya.


They look alike, Sean and him, so that's fine. They're both handsome anyway.


"Magkamukha naman kayo. Parang magkapatid nga kayo, eh," sambit ko.


"Blood related"

I was surprised by that. They're blood related? No wonder there's a resemblance between them.


"How?" I asked.


"Our parents are first cousins," he answered. I just nodded at that.


"Pero mas bet ko 'yang mukha mo," kinikilig na sambit ko. Kumunot ang noo niya at agad siyang lumayo sa gawi ko.


"Tangina, Alondra mapapahamak ako sa ginagawa mo, eh!" Madiin na sambit niya.


I frowned, "Are you yelling at me?"


Nanlaki ang mata niya doon at umiling "Hindi ah! Ang hina nga ng boses ko"


"You're yelling at me."


"Hindi!"


"Oh bakit ka galit?!"


"Hindi naman ako galit"


Lumapit si Sean sa akin at agad niya akong nilayo kay Ethan.


"Isabelle, ako nalang ang paglihian mo, ayaw kong maging kamukha ng anak ko 'yang unggoy na 'yan," sambit niya.


"Eh mukha ka din namang unggoy," sagot ko naman.


Napa-awang ang labi niya doon. "Okay lang basta 'wag si Ethan," painis na sambit niya.


"Si Miguel nalang," sagot ko ngunit matalim na tingin ang ipinako niya sa akin.


"Ano... bakit ganiyan ka makatingin?" Natatarantang tanong ko.


"Ako ang ama ng bata kaya dapat ako ang kamukha niyan," aniya.


"Eh ayaw ko nga sa mukha mo!" Painis na sambit ko. Rinig ko ang pagtawa nung tatlong lalake sa likod.


Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon