25

25.7K 689 441
                                    

"Bakla bilisan mo! 30 minutes nalang, baka hindi ka na makahabol," sambit ni Gina.



Ginagawa ko ngayon ang research paper ko. Friday na at ngayon pala ang deadline! Hindi ko naman alam na ngayon pala. Ang akala ko next week pa.



I want to cry because I really hate rushing!



"Tulungan na kita," sambit ni Gina. Inagaw niya sa akin ang laptop ko at siya na ang nag encode roon.



Tumulo na ang luha ko dahil sa kabang nararamdaman. This research is worth a lot of points. If I fail this, it will greatly affect my grades. I don't want to fail. Lord please, I don't want to fail.



Nanginginig na rin ang kamay ko at nanlalamig na ang katawan ko dahil sa kaba.



"Relax ka lang, okay? May 30 minutes pa. Kaya natin 'to," ani Gina.



"Baka bumagsak ako," sambit ko. Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.



She looked at me. She held both of my shoulders and faced me towards her.



"Ikaw ba 'yan, Alondra Isabelle? Positive vibes ka lang lagi pero bakit ang Negative mo ngayon?" Aniya at pinagpatuloy ang pag e-encode.



"Babagsak ako, Gina. Baka hindi ako maka abot."



"Tangina, pati ako kinakabahan sa'yo, e! 'Wag ka ngang praning diyan dahil pati ako ay kinakabahan."



Hindi nalang ako nagsalita. Salitan kami ni Gina sa pag e-encode nang bigla siyang tinawag ni sir Arthur.



"Gina, paki-check naman 'to please. May meeting kami," aniya. Agad tinanggap ni Gina ang papel. Ang pagkaka-alam ko ay quiz namin 'yon.



Gina looked at me with a worried expression on her face. "Ako na rito. I-check mo na 'yan," sambit ko at mas binilisan pa ang pag e-encode.



"Sure ka?"



Tumango ako. "Alam mo naman si sir Arthur, kapag may pina-check siya ay dapat matapos mo agad," sambit ko at pekeng tumawa para makumbinsi ko si Gina na gawin na muna niya ang pinapagawa ni sir sa kaniya.



My hands were shaking so much as I typed. Tumingin ako sa relo ko at 10 minutes nalang ang natitira kaya mas binilisan ko pa ang pag e-encode.



Hindi ko na alam kung may connect pa ba ang sinusulat ko sa topic namin o wala na dahil ang nasa isip ko nalang ngayon ay baka bumagsak ako ngayong sem.



I immediately submitted my research because there were only 5 minutes left. I was panicking and I wanted to scream!



I just closed my eyes and rested my head on the table because I was so tired.

——

"Isabelle"



Bigla akong napatayo. Nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Hindi ko namalayan.



"Isabelle," pag-uulit ni Sean. Kinusot ko na muna ang mga mata ko bago tuluyang tumingin sa kaniya. "Are you tired? Gusto mo bang next time nalang kita ipakilala kay mommy?" Aniya.



Agad akong napatayo sa sinabi niya. Ngayon na ba 'yon?! Bakit . . . Bakit hindi ko namalayan?! Ang stressful kasi ng week na 'to. Ang dami kong ginawa buong week at halos hindi na kami magkita ni Sean simula noong Tuesday.



"Ngayon na pala 'yon. Sorry, masiyado akong maraming ginawa this week kaya hindi ko namalayan," sambit ko.



"It's okay. Happy monthsary, baby,"  aniya at agad niya akong niyakap.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon