16

31.2K 956 537
                                    

"Nakangiti amputa" sambit ni kuya habang nagmamaneho. Pauwi na kami ngayon galing school.



"Bakit ba? Bawal bang ngumiti?" Painis na sagot ko.



"Nag-usap kayo ni Sean? Kinikilig ka nanaman siguro 'no kaya ganiyan ka makangiti"



"Bakit ko sasabihin?" Mataray na sagot ko.



"Aba, may pa ganiyan ka na ngayon ah," aniya sabay tawa nang sarcastic, "puta, 'pag narinig ko si Sean na magpakilig ay baka mamatay ako sa tawa," ani kuya.



Napabaling ako sa kaniya. "Bakit naman? Ang cute niya kaya magpakilig"



"Hindi ko pa narinig bumanat 'yon, eh. Iniisip ko palang ay parang matatawa na ako. Siya kasi 'yung tipo ng tao na dapat hindi na dinadaan sa mga banat ang mga bagay, dapat auto fuck na ganon, alam mo 'yun, 'yung parang fuckboy vibes lang"



I pinched his side, and he immediately screamed in pain.



"Mukha bang fuckboy si Sean?!" Pasigaw na sambit ko



"Hindi! Pero malay mo. Masiyado kasing seryoso 'yon, malay mo marami palang babaeng dinadala sa kama 'yun"



Bigla naman akong nasaktan doon. "Pinag o-overthink mo ba ako, kuya?"



Napasulyap siya sa akin ng mabilis. "Hindi ah!" Pag depensa niya.



"Eh bakit mo kasi sinasabi na fuckboy siya?!"



Napabuntong hininga siya. "Kasi nga kapag pumupunta kaming lima sa bar ay siya lang ang walang dalang babae. I mean, ako rin naman walang dalang babae hehe. Hindi pa namin siya nakitang may kasamang babae bukod sa babaeng laging sunod nang sunod sa kaniya . Hindi pa rin namin siya nakitang may ka-chuk-chukan. Kaya malay mo 'pag hindi namin siya nakikita, ay may fuck buddy pala siyang patago. Malay mo lang naman." Pag e-explain ni kuya.



"Hindi naman kasi siya gaya ninyo na puro chix lang! Responsable ang crush ko"



"Hindi naman ako nan-chi-chix ah!" Depensa niya. "Bait ko kaya. Loyal ata 'to," aniya sabay flex ng biceps niya.



"Ediwow! pero kuya sino 'yong babaeng sunod nang sunod kay Sean?" Tanong ko.



Napanguso at napatahimik si kuya. Seryosong nasa daan lang ang atensiyon.



"Hoy sino, kuya!" Pag-uulit ko



"Yong si Tiffany"



Ah ok.



It's obvious that Tiffany likes Sean. She even claims she loves him. Ugh, back off, girl. Sean already confessed to me, so don't interfere with my love life.



Huwag ka nang manira ng pamilya. May anak na kami sa panaginip ko tapos eepal ka pa.



Bigla kaming napatigil sa isang drugstore. Agad bumaba si kuya. Bakit? May sakit ba siya? Hinintay ko lang siya hanggang sa makabalik siya.



"May sakit ka, kuya?" Tanong ko. Umiling lang siya habang pinapaandar ulit ang sasakyan.



"Wala"



"Eh, kanino 'yan?"



"Basta," aniya.



Hindi ko nalang siya pinilit dahil mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung kanino ang gamot.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon