34

25.2K 703 707
                                    

Nagbihis ako ng simpleng panlabas lang na suot. 8:00 PM ang party ni Yael at 8:00 AM palang kaya naisipan kong dalawin si kuya sa kaniyang puntod.



I asked Manong Jun to take me to my kuya's grave. I bought flowers, candles, and snacks on the way. When I arrived, I saw a woman and a child standing there. I was confused about who it was, so I walked faster to get closer.



Naisip ko na baka nagkakamali lang ako dahil baka hindi 'yon ang puntod ni kuya pero nang tuluyan na akong makalapit ay tama ako. Puntod ito ni kuya.



Biglang lumingon ang babae sa 'kin at nanlaki ang mata niya nang makita niya ako, ako rin ay nagulat.



"Chiara?"



"Alondra," aniya. She held the hand of the cute and small little girl.



Napalunok ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.



"Anak mo?" Tanong ko.



Paulit-ulit sa paglunok si Chiara at umiwas siya ng tingin.



Tumingin ako sa name tag ng bata.



Raia Xamantha



Tumingin ulit ako kay Chiara. Nanunubig ang kaniyang mga mata.



"Chiara..." pagtatawag ko "Chiara, p-pamangkin ko b-ba 'to?" Tanong ko.



She bit her lower lip and quickly nodded her head. I just closed my eyes to hold back my tears. Bakit ba sobrang iyakin ko?!



I immediately kneeled down to this cute little kid. Kamukha niya si kuya. Kamukhang-kamukha niya ang kuya ko. Parang girl version siya ni kuya Xamuel.



"Hello! I'm tita Isabelle," pagpapakilala ko sa bata.



Nakatunganga lang ang bata sa 'kin at napapakurap siya. Napangiti ako dahil nakikita ko si kuya sa kaniya noong bata siya.



"I'm Raia Xamantha, it's quite long po so you can just call me Raia or Xam, or Xammy," kalaunan ay sambit ng bata at ngumiti.



Hindi ko na napigilan ang luha ko. Xam, Xammy. Ang nickname ni kuya. Ang nickname ni kuya ay nakuha ng anak niya.



I immediately hugged Raia. I looked at Chiara and she just smiled at me.



"Kelan ka pa bumalik?" I asked Chi. As far as I know, she went back to the province after kuya's burial. Raia looked confused when I hugged her right away.



"Dito ko pinalaki ang anak ko. Wala naman akong mauuwian sa probinsiya"



Kumunot ang noo ko. "Chi, saan ka kumuha ng pera? Paano... paano mo kinaya.. may trabaho ka ba?" Nag-aalalang tanong ko.



Ngumiti siya sa akin. "Nakaya ko naman. Nagtrabaho ako sa isang coffee shop na iniwan ni Xamuel sa 'kin. Tinutulungan din ako ng mga kaibigan ni Xamuel"



Tumingin ulit ako sa bata. Nakatingin lang siya sa 'kin. Lumuhod naman si Chiara upang magkapantay sila ng anak niya.



"Anak, siya ang tita Isabelle mo, kapatid ng papa mo"



Tumango si Raia sakaniya at ngumiti. "Kamukha niya po si papa" bulong ni Raia kay Chi. Napangiti si Chi at agad siyang tumayo.



"Alam ba niya?" tanong ko, "alam ba niya na wala na ang papa niya?"



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon