BS [2]

3.6K 230 71
                                    

ANNYEONG~! Thanks po sa mga nag vo-vote at nag cocomment :)

[Suga's POV]

Lumipas ang ilang linggo eto at ayos na ang lahat babalik na ako sa Pilipinas para sirain ang buhay ng magaling kong tatay na si Manalotto.

"Always take care my son" sabi ni Mama. Hinalikan nya naman ang noo ko at pumunta na sa loob ng airport.

Ayos na kami ni Mama pero hindi ni Albert. Ayoko talaga sya para sa Mama ko. Simula kasi ng dumating si Albert sa buhay namin feeling ko hindi na ako malaya sa mga gusto kong mangyari.

AFTER 123456789...HOURS

"Sir andito na po si Sir Suga!" sigaw ng katulong nila ng makapasok ako ng pinto ng bahay nila.

Aba, mansion pala 'tong tinitirhan ni Manalotto, tapos kami village lang.

At sawakas nakita ko narin si Manalotto sa loob ng 12 years. Ngayong andito na ako sa puder ni Manalotto gagawin ko lahat ng gusto ko at mas lalo pa akong mag bubulakbol at para narin ipakita sa mga tao na wala syang kwentang ama.

"Anak nagkita nadin tayo sa wakas" sabi nya saka ako niyakap. Napaka plastik mo Manalotto.

Pagtapos nya akong yakapin ay pinakuha nya ang mga gamit ko sa mga katulong.

"Saan ang kwarto ko?" naka poker face kong tanong.

"Sa may taas sa ikalawang pintuan katabi nung black na pinto." sabi nya.

Aakyat na sana ako pero bigla nya akong tinawag kaya lumingon ako.

"Ano?"

"Mamayang hapunan tatawagin ka nalang namin para kumain" sabi nya. Di ko nalang sya pinansin at umakyat na ako papuntang kwarto.

Pag pasok ko palang ay andito parin ang mga gamit ko nung bata pati ang kama ko. Nakita ko din ang picture frame namin ni Mama at ni Manalotto, pero sa isang frame nakita ko yung picture na magkasama kami ni Manalotto at may hawak na balloon. Lumapit ako dun sa picture na yun atsaka ito binaliktad pahiga. Ayokong nakikita ang picture na yan dahil pagtapos ng picture taking na yan pinadala na nya kami papuntang L.A

Humiga ako sa kama ko saka natulog.

Lumipas ang ilang oras ay may naririnig na akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Sir pinapatawag na po kayo ni Sir, kakain na daw po sa baba" sabi nya. Tumango tango naman ako saka inayos ang sarili ko at bumaba.

Pagbaba ko ay bumungad sakin ang BAGO NYANG ASAWA pero wala pa yung anak nila.

"Anak maupo ka" tawag sakin ni Manalotto. Umupo naman ako at kinuha ang kutsara't tinidor.

"Oh ito soup" inabot pa sakin ni Manalotto ang soup. Tss amplastik mo.

Hinigop ko naman ang soup at.... makalipas ng ilang minuto nag uuubo na ako.

"Anak anong nangyayari sayo? Bakit ka namumula?" nag aalalang sabi ni Manalotto.

Hahawakan na nya sana ako pero tinabig ko ang kamay nya.

"Di ko kailangan ng tulong mo *ubo* pabayaan nyo na ako" sabi ko at pumunta sa cr.

Nagsusuka at nag uuubo ako sa lababo.

May hipon yung kinain kong soup. Allergy ako sa mga hipon. Tss tignan mo, kahit allergy ko di nya alam. Tangina lang.

Pinunasan ko na ang bibig ko saka lumabas ng banyo.

"Anak kakain ka pa ba?" tanong ni Elizabeth.

"Hindi mo ako anak" sabi ko at umakyat sa taas.

"Anak, bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ni Manalotto.

Tinitigan ko lang sya saka nagpatuloy na sa pag akyat.

Pagpasok ko ng kwarto.

AYOKO NA DITO! Kahit ilang oras palang ako dito feeling ko 10 taon na ako dito. Gusto ko na lumayas sa gantong buhay!!!!

Kinabukasan.

Pag mulat ko palang ng mata ko ay may babae na sa paanan ko.

"HOY SINO KA!?" sigaw ko saka napabangon pa talaga ako.

"Tangina ang OA mo" sabi nya saka tumayo.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko!?"

"Naglilinis, andumi kaya netong kwarto mo! Kakaayos ko lang ito bago ka dumating tapos ang gulo na agad. Grabe ka naman pala talaga" sabi nya tapos pinag kukuha yung mga gamit ko sa lapag.

"Hoy bitawan mo nga yang mga gamit ko! Kung sino ka man umalis ka na ngayon din dito sa kwarto ko!"

"Ulol ka ba!? Bakit ikaw ba binabayaran dito para maglinis, syempre hindi kasi dapat ako" namimilosopo pa talaga.

"Labas!" utos ko.

"Tumahimik ka! Ako ang papagalitan ng ama mo kapag di ko nilinis 'tong kwarto mo" sabi nya at nag patuloy parin sa pag lilinis.

"Aba anak ng puta--" tumayo ako saka kinuha sa kanya ang mga damit kong nakakalat sa sahig kanina.

"Ano ba!? Tangina naman eh!!" sigaw nya sakin Aba talagang---

"Bakit mo ako mimura? Tangina mo!" sigaw ko din

"Tangina mo rin!! Feeling mo naman takot ako sayo!"

"Oo, dapat kang matakot sakin dahil amo mo ako!"

"Amo? Wusuuu~ Sinong may sabing amo kita?"

"Ako, bakit may angal ka?"

"Di kita amo wag kang feeling dyan"

"Pag oras na naging amo mo ako patay ka sakin" pananakot ko.

"Oh edi wow!" sagot lang nya.

"Tangina mo umalis kana nga dito!" sigaw ko atsaka tinulak sya sa may pinto.

"Tangina mo din!" sabi nya saka lumabas.

Grabe yung babaeng yun ah!? Minumura ako!? Pakshet.

Bumukas naman yung pinto "Hoy kumag?" sya nanaman!?

"Ano!?"

"Akin nalang 'tong brief mo ah?" sabi nya saka pinakita nya sakin yung brief kong nakalawit sa may daliri nya.

"HOY BRIEF KO YAN!!!!" sigaw ko saka sya hinabol palabas ng kwarto.

Hinabol ko sya hanggang sa may garden. Putangina naman neto, pati yung brief ko nadamay!

"Agawin mo~!!" sabi nya pa.

"AKIN NA YANG BRIEF KO!!" sigaw ko habang hinahabol sya.

TO BE CONTINUED~

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now