BS [11]

2.1K 145 69
                                    

[SUGA POV]

"Bakit ginabi kana ng uwi?" ayan nanaman sya. Buset di nya talaga titigilan.

"Alam mo, hindi ko alam kung tanga ka o bobo eh. Kasi alam mo yun, nagtatanong ka kung bakit ginabi ako samantalang birthday ko. Ano ba kahit birthday ko lang pagbigyan mo lang ako na maging malaya!!! Di ba pwede yun ha!!!? O baka di mo naaalalang birthday ko ngayon. Tch, ano bang buhay 'to. Sige tulog na ako ha?" naka smirk pa ako habang paakyat ng hagdan.

kinabukasan...

"Ano ok na ba itong suot ko ha?" natatarantang tanong ni Misha sakin.

"Oo ok na yan maganda naman eh tara na" pasakay na sana ako ng kotse ng bigla nya akong hinila.

"Teka teka sino ang tinutukoy mong maganda? Ako ba o yung damit?" tangina-- este putek na tanong yan Misha!?

"Yung damit, bilis na sakay na male-late pa tayo" pinalo nya naman ako sa braso saka sumakay ng kotse.

Pagdating namin dun sa place gabi na kasi anlayo eh. Manila to Pangasinan. Dito kasi probinsya ni Lola at marami silang kamag anak dito.

"Lola?" tawag ko kay Lola.

"Apo, naku salamat at nakadating kayo ng maayos dito" sabi nya at niyakap ako.

"We meet again Hija, you look so beautiful"

"Ahm hehe sino po yung tinutukoy nyong maganda? Ako po ba o yung damit?" tangina--este putek Misha hanggang dito ba naman itatanong mo yan.

Napatawa naman si Lola. Grabe natatawa kayo sa babaeng yan. Syempre ako nagtawatawanan din at inakbayan ko pa si Misha.

"By the way your father? Makakadating ba sya?" tanong sakin ni Lola. Aba malay ko kay Manalotto. Wala akong pake sa kanya.

"Di ko po alam, hintayin nyo nalang po siguro" sagot ko.

"Sige po Lola Happy Birthday. Dun lang po kami ni Misha" nakihalubilo naman kami sa ibang tao.

"Suga pag di mo pa inalis yang kamay mo sa balikat ko matatamaan ka na sakin" mahinang sabi ni Misha.

"Wag ka na ngang mag reklamo dyan. Alam mo namang nakatingin satin ang mga lalake kong pinsan eh. Kaya kalma ka lang" mahina ko din na sabi sa kanya habang ngini-ngitian ang mga taong dumadaan.

"Oh Suga, aba binata na, may girlfriend ka na din ah?" sabi ni Ate Juliet. Isang model si Ate Juliet at ang sexy. Wooo chix~

"Hahaha. Oo sya nga pala si Misha" tapos nag hello naman si Misha habang naka Japan Sign. Anong ginagawa nya, parang tanga.

"Haha your girlfriend is so cute" bulong sakin ni Ate Juliet at umalis.

"Anong yung binulong nya?" chismosa talaga tong babaeng 'to.

"Sabi nya mukha ka daw octopus" natatawang sabi ko. Nakatanggap naman ako ng matinding batok Ansakit puta.

[AUTHOR POV]

Pumunta ang dalawa (suga&misha) sa table ng mga pinsan nyang lalake. Halos ka edad lang ni Suga ang mga ito. Medyo bastos at sutil ang mga pinsan nyang lalake kaya doble ingat naman si Suga.

"Yow bro! Tagal nating di nagkita" sabi ni Thomas ang pinakamatanda sa kanilang nagpipinsan.

"Aba may girlfriend na haha" sabi naman ni Kevin saka sila nagtawanan. Alam mo yung pinaka awkward situation na kala mo masaya sila pero yun pala pinagtatawanan at pinagti-tripan ang ibig sabihin nila.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now