BS[52] FINAL 3

1.4K 100 88
                                    

HAPPY 1K VOTES MGA BUDAYZSX!!! TANGINA NYO MAHAL NA MAHAL KO KAYO LOLSXD HAHAHA!!!


[Author POV]

Nahabol na ng mga timang si Taehyung at dinala ito sa park.

Dun nila kinausap ng mahinahon si Taehyung.

Bata pa ang isip ni Taehyung sa mga gantong sitwasyon kaya naman takot syang harapin ang mga ito.


"Taehyung makinig ka sakin. Yung bata, ginawa nyo yun ni Monique kaya kailangan panindigan mo yun" sabi ni Jin




"Hindi solusyon ang pagtakbo mo sa nga problema mo. Gaya nalang ng ganto. Kawawa yung bata Taehyung pag nagkataon" sabi naman ni Hobi.


"Sinasabi namin 'to sayo dahil mga Hyung mo kami. Sinasabi lang namin ang mga dapat mong gawin" sambit naman ni Badjao.


"Makiki-hyung nadin ako ah. " sabat ni Jimin.

Tumingin lang sa kanya sila Hobi.

"Taehyung, natatandaan mo pa ba nung nawalan ka ng tatay? Diba mahirap para sayo yun? Nang mamatay ang papa mo sobra sobra ang iyak mo. Ngayon, ipagpalagay mo nalang sa magiging sitwasyon ng bata kung sakaling iiwanan mo sya? Taehyung wag mong ipadanas sa bata yung dinanas mo nung nawalan ka ng Tatay" sabi ni Jimin.



"Taehyung wag kang matakot na sabihin 'to kay Tita Baekla dahil alam kong maiintindihan ka nya dahil nanay mo sya" sabi naman ni Jungkook.

"Taehyung tatanungin ka namin. Babalikan mo ba yung bata o hindi?" tanong nila kay Taehyung.


Tahimik lang si Taehyung at tila ayaw magsalita. Pero bigla nalang itong umiyak.




"Hindi ko na alam ang gagawin ko" umiiyak nyang sabi at napatakip nalang ng mukha.



"Taehyung andito lang kami. Sama sama nating aalagaan ang baby okay?" sambit ng mga timang.





"Hindi, hindi nyo ko naiintindihan! Wala kayo sa sitwasyon ko!" sigaw ni Taehyung.



"TAEHYUNG PUTANGINA MAKINIG KA NGA SAKIN!" sigaw ni Badjao at hinawakan ng mahigpit ang balikat ni Taehyung saka ito hinarap sa kanya.



"Taehyung, hindi ka namin tinuruan na maging duwag. Harapin mo ang problema mo. Hindi ka man namin maintindihan alam mo naman sa sarili mo ang totoo dahil walang katulad mo ang hindi makakaintindi ng stiwasyon lalo na at naranasan mo ding mawalan ng tatay. Hahayaan mo ba na yung batang yun ay lalaki ng walang ama katulad mo? Babalikan mo ba yung bata?" sambit ni Badjao.



Tumingin lang si Taehyung sa kanya. Tapos tumango tango.



"YESSS!!! WOOOO!!! DADDY NA SI TAEHYUNG!! TANGINA!!!" sambit ng mga timang at kinuyog si Taehyung.



"Tangina ano? Saan naman tayo?" tanong ni Jin.




"Sa Jollibee!" mag isang sigaw ni Hobi.



"Pakyu" sabi nila kay Hobi.


Na-pakyuzoned dre!



"Oh ano saan na tayo?" tanong ulit nila.



"Sa Wendys!!!!!!!" sigaw nilang lahat saka nagtakbuhan palayo.




MGA PUTANGINA NYO! SAMA AKO!



Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now