BS[32]

1.2K 86 26
                                    

VOTE AND COMMENT

[Misha POV]

Putangina ni Suga. Hindi yan iloveyou. As in inis na inis ako sa kanya ngayon.

Nakasunod lang ako sa kanila. Mukha akong chiwawa, pitbull dito kakasunod letche.

Ano bang nakain ng lalaking ito at ginaganto nya ako? Akala ko ba ayaw nya na akong makita. Tapos ngayon pinapasama nya ako dito.

Napatingin naman ako dun sa mga baby things. Lalo na yung baby bottles. Naalala ko nung bata ako, 2years lang ako pinadede sa bottle tapos binaso na nila agad.

Tinignan ko naman yung dalawa na masayang masaya sa pag pili ng mga gamit ng magiging anak nila. Tinatanong pa nila kung sigurado bang high quality ang mga bottles, and clothes.

Naiinggit ako, sana ako nalang ang kasama ni Suga habang pumipili ng mga gamit ng magiging baby namin. Kaso wala akong baby.

Napahawak naman ako sa tyan ko at napaisip na

"Sayang baby, yung daddy mo may ibang baby"

"Misha? Maganda ba 'to?" tanong ni Monique sakin.

Napatingin naman ako sa kaniya habang hawak hawak yung baby clothes.

"Ahh. O-oo. Maganda" sambit ko naman.

Bakit nya pa sakin tatanungin? Kasama nya naman si Suga eh.

Pinapainggit nya lang siguro ako. Haist, nakakaawa ka naman Monique kasi di ka parin mamahalin ni Suga.

I trust you Suga kaya nga hindi ko tinatanggal itong stay tap opening na nasa daliri ko eh. Para magbaka sakali nadin na pag nakita mo ang stay tab opening na'to eh maalala mo ko, maalala mo kung gaano natin kamahal ang isa't isa.

"Suga nagugutom na si Baby natin. Tara kain tayo" sabi ni Monique.

Lumabas kami ng department store at pumunta sa food court.

Humanap kami ng mauupuan.

Pag upo namin...

"Anong oorderin natin?" tanong ni Suga.

"Gusto ko ng tempura" sambit ni Monique.

Bagay lang talaga sayo ang tempura dahil hipon yun. Mukha kang hipon Monique, ulol ka! Putangina ka!

"Ok isang order ng tempura. Ano sayo Misha?" tanong sakin ni Suga.

"Gusto ko ng lechon" sabi ko.

Sinabi ko yun nung kumain kami sa resort sa pangasinan. Diba yung bago kami mag swimming? Tinanong nya ako kung anong gusto ko, ang sabi ko gusto ko ng lechon. Sinabi ko din yun ngayon baka kasi maalala nya ako.

"Seryoso ka?" tanong nya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" sambit ko naman.

"Sige. Dyan lang kayo." sabi ni Suga saka umalis at umorder.

Okay this is so awkward kasi lechon ang order ko at tempura naman kay Monique.

Tch, naisip ko tuloy na. Sa lechon walang tinatapon, pero sa hipon, ulo ang tinatapon.

"Kung umasta ka parang di ka katulong ah" sabi ni Monique.

"Kung umasta ka naman parang asawa ka na" sabi ko din. Aba haha! Hindi papatalo ang lola nyo.

"Kung umasta ka parang may anak kayo ni Suga" --Sya.

"Kung umasta ka parang si Suga ang ama ng batang nasa tyan mo" sambit ko. Napatigil naman sya.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon