BS[29]

1.2K 97 72
                                    

[Monique POV]

Pagka uwi ko sa bahay ng hapon, pumunta agad ako sa kwarto ni Suga.

Pagpasok ko nanonood sya ng movie habang naka upo may couch nya.

"Uy andyan ka na pala" naka ngiting sabi nya. Pumunta naman ako sa kanya.

"Ano pinapanood mo?" tanong ko saka hinawakan ang kamay nya tapos pinatong ang ulo ko sa balikat nya.

"Daddy Kookie" sagot naman nya.

[A/n: Hahaha kunwari ginawa na nilang movie yung DK. Haha. Hi Ate Stelle/Jiminsm Fan mo ko~!]

"Diba Jungkook yung pangalan nung bidang lalaki dyan?" tanong ko.

"Oo tapos Michiko yung babae." sabi din nya.

"Magbihis ka na kaya tapos samahan mo kong manood dito" sambit nya. Tumango tango naman ako saka lumabas ng kwarto nya at pumunta sa kwarto ko para magbihis.

Grabe ansaya saya saya saya saya saya saya ko~!

Pagtapos kong magbihis pumunta na ako ulit sa kwarto nya.

"Hahaha!" tawa sya ng tawa sa pinapanood nya.

Syempre natutuwa din ako kasi diba magkasama kami. Feeling ko ako na ang pumalit kay Misha.

"Monique?"

"Oh?" lumingon naman ako sa kanya.

"Sino ba talaga si Misha sa buhay ko?" tanong nya pa ng nakangiti. Kinabahan naman ako na baka may konti na syang naaalala.

"S-si Misha?"

"Oo, para kasing namimiss ko sya na ewan. Basta hindi ko maintindihan eh." sambit nya na mas lalong nagpakaba sakin Did he just say na namimiss nya si Misha?

I need to say something. Something na magandang dahilan.

"Kasi si Misha ang girlfriend mo noon. Pero sinaktan ka nya kaya nakipag break kayong dalawa sa isa't isa." sambit ko.

"Paano nya ko sinaktan eh mahal nga namin ang isa't isa" bigla nyang sambit.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Ano ka ba naman Suga Villegas?! Kailangan mo pa bang ungkatin lahat tungkol sa inyo ni Misha?!" sigaw ko. Kasi grabe yung nararamdaman ko, may halong kaba na selos na inggit.

"S-sorry" sabi nya. Tsk.

Lumabas naman ako ng kwarto nya tapos pumunta sa kwarto ko at kinuha yung coat ko saka pumunta sa kotse ko.

Nag drive ako papuntang bar. Maglalasing ako dun syempre. Gusto kong solohin ang sarili ko. Ewan. Nasasaktan talaga ako.

Bakit kasi yun pa ang tinanong nya? Nakakapagtampo.

Nilagok ko naman yung beer. Siguro naman masusulusyunan ng 120mL na beer ang problema ko.

Pagtapos kong lagukin yun may nakita akong lalake na nasa harapan ko na.

"Ahh hello?" nakangiting sabi nya.

"Hi" sambit ko.

"Hello" sabi nya ulit haha!

"Hi"

"Hello" nakangiti parin nyang sabi.

"Ahahaha!" natawa nalang ako bigla. Kasi paulit ulit kami. Mukha kaming timang dito.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang