BS[19]

1.6K 120 32
                                    

[SUGA POV]

Bumalik ako sa loob pagtapos akong iwan ni Misha sa labas.

"ALAM NYO EH! SINASABI KO NA NGA BA'T GAGAWIN NYO TALAGA ANG LAHAT PARA MASUNOD ANG MGA PLANO NYO. GUSTO NYONG PAKASALAN KO ANG BABAENG HINDI KO NAMAN MAHAL, YUN BA ANG GUSTO NYO? TANGINA SINONG TANGA ANG NAKAISIP NYAN? DEPUTA LAHAT KAYO MGA PUTA KAYO! IKAW MANALOTTO, BAKIT MO INIWAN SI MAMA!? PARA SUMAMA KAY ELIZABETH HA!? TANGINA GUSTO MO GAWIN KO DIN YAN KAY MONIQUE!? YUNG TIPONG AANAKAN KO SYA AT PAGKATAPOS IPAPADALA KO SILA SA IBANG BANSA AT KAMING DALAWA NI MISHA ANG MAGIGING MASAYANG PAMILYA, GANUN BA GUSTO NYONG MANGYARI!? SIGE PAPAYAG AKONG MAGPAKASAL SA BABAENG HINDI KO MAHAL AT PAGKATAPOS NUN IIWAN KO DIN SYA AT SASAMA AKO KAY MISHA. YUN BA, GANUN BA ANG GUSTO NYO!!!? TANGINA WALANG PIPIGIL SAKIN BUKAS, AALIS NA AKO DITO, UUWI AKO NG L.A AT DI AKO MAGPAPAKASAL! TANGINA NYONG LAHAT!!!! " sigaw ko dahil galit na galit ako sa ginawa nila sakin. Hindi ako papayag na buong buhay ko eh sila ang mamumuno.

"Wala ka ng magagawa. Kakasabi palang sakin ni Susan na payag syang ikasal ka kay Monique since yun ang nakakabuti sayo. Hindi ka pwedeng bumalik ng L.A hangga't di kayo nakakasal ni Monique. Sa ngayon dito muna sa bahay natin titira si Monique para mas makilala nyo pa ang isa't isa---"

"Kilalanin ang isa't isa? Tss tangina wala akong balak kilalanin ka kaya umalis ka na dito sa bahay na'to bago kapa masaktan" sambit ko kay Monique.

"Suga matututunan mo din akong mahalin gaya ni Misha" sabi nya.

"Spell ASA? M-O-N-I-Q-U-E. Hinding hindi mangyayari ang sinasabi mo. Hindi kita kayang mahalin" sambit ko sa kanya.

"Tama na Suga nasasaktan na si Monique!" pag aawat ni Manalotto.

"Maganda nga yun eh, para malaman nyang hindi pa man kami kasal eh nasasaktan ko na sya" naka smirk na sabi ko at umakyat papuntang kwarto.

Pagpasok ko ay binalibag ko kaagad ang pinto. Tangina. Ginago nila akong lahat.

Ginago ako ni Misha.

Ginago ako ni Manalotto.

Ginago din ako ni Mama.

Ginago nila akong lahat!

PUTANGINA!!!

Alam nyo sobrang nanghihinayang ako. Alam kong mahal din ako ni Misha pero bakit hinayaan nya akong ipakasal kay Monique.

Akala ko ba mahal nya ako?

Alam kong mahal nya ako.

Di man nya sabihin pero alam kong may naramdaman sya sakin at sya mismo ang nagsabi nun.

Alam nyo ba nung pumipili kami ng mga damit nya, magkahawak kami ng kamay at nababasa ko ang isip nya ng araw na yun. Sinabi nya na parang mahal nya na ako, na parang inlove na sya sakin, na parang gusto na nya ako.

Kahit parang lang yun atleast may naramdan sya para sakin. Sapat ng katibayan yun para manghinayang ako sa mga ginawa nya.

Sabi nya ito daw ang nakabubuti sakin. Alin, ang magkalayo kami, ang ikasal ako sa babaeng hindi ko mahal, ang ipaubaya ako sa taong hindi katiwa-tiwala, yun ba ang nakabubuti sakin?! Anlabo nya rin eh noh?

Tapos sasabihin nya pang si Jin ang mahal nya samantalang tatlong araw kaming magkasama eh hindi mapakali ang isip nya sakin.

Pero sobrang nasaktan talaga ako dun sa sinabi nyang ambilis ko kasing nagtiwala sa kanya kaya napahamak ako. O talaga, edi wow!

Ganun pala ang gusto nya ah. Sige simula ngayon hindi na ako magtitiwala kahit kanino. Hindi nadin ako magtitiwala sa kanya, nakakatakot na baka kasi gaguhin nya nanaman ako eh.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt