BS[20]

1.6K 115 32
                                    

[SUGA POV]

Maaga akong gumising at pumasok sa school samantalang si Misha ayun sarap na sarap sa pag tulog nya sa kama ko. Dapat nga sya ang gumising ng maaga para ipagluto ako eh.

Pagbaba ko ng kotse ay dumeretso na ako sa klase ko. Pag pasok ko sa may room lahat sila nakatingin sakin. Late ako?

"Late ba ako?" tanong ko.

"Hindi." sagot nila.

"Oh anong tinitingin tingin nyo?" nakakagagong tanong ko.

"Wala" tapos nag si baliman sila sa mga ginagawa nila. Munggago eh.

Ge. Aamin na ako. Nakakatamad talaga mag aral, ayoko nang mag aral, nakakabagot.

"Ok class maaga kayong uuwi ngayon dahil meron tayong acquaintance party. Mamayang hapon 6pm isama nyo ang mga gusto nyong isama. Isuot nyo ang gusto nyong suotin ok?" anunsyo ng teacher namin.

Party? Sino isasama ko? Si Misha nanaman? Wtf.

Sige si Misha nalang para may alalay ako. Isasama ko sya mamaya.

Pag uwi ko sa bahay biglang sumalubong sakin si Monique. Bebesohin nya sana ako pero nilayo ko mukha ko sa kanya. Kadiri hahalikan ako sa pisngi, sensitive face ko sa mga hipon.

"Ahm pasensya na" sabi nya at nalungkot. Pahiya sya eh hahaha.

"Pwede ba. Hindi pa tayo kasal kaya wag kang umakto na parang isang mabuting asawa sakin Amplastik kasi" sabi ko kay Monique at nilayasan sya.

Nakita ko naman si Misha napababa ng hagdan, kagigising nya lang? Aba.

Binato ko sa kanya yung bag ko.

"Timplahan mo ko ng juice, yung apple flavor" pasungit na sabi ko saka umakyat papuntang kwarto.

Tandaan nya na hindi ko sya girlfriend, dahil katulong ko sya. Pinapakita ko lang ang totoo kong ugali sa kanya.

Hinubad ko na ang uniform ko at nag palit ng pambahay saka kinuha ang susi ng kotse ko at bumaba.

Nakita ko namang nag pupunas si Misha sa maliit na lamesa sa sala tapos si Monique naka upo sa sofa habang nag lalaro ng kamukha nyang flappy bird.

"Hoy Misha samahan mo ko. May pupuntahan tayo" naka poker face kong sabi.

Tumayo naman si Monique.

"Ako nalang sasama sayo" sambit nya.

"Ikaw ba si Misha? Tss -__-"

Lumabas na ako at pumunta sa kotse. Suminod naman si Misha sakin.

Pinaandar ko ng kotse at pumunta sa mall.

Bibili kami ng idadamit namin para sa pesteng acquaintance party na yan.

"Ano bang gagawin natin sa mall?" tanong nya.

"Tatae" sagot ko. Diba sabi ko, puro kahayupan lang ang isasagot ko sa kanya.

"Tangina mo" sabi nya.

Tss feeling nya sasabihan ko pa sya ng i love you? Asa.

"Simula ngayon wag mo na akong mumurahin. Amo mo ako at hindi lang basta tao dyan sa kanto" sabi ko sa kanya. Pahiya sya 100%

"Sinong tinutukoy mong tao dyan sa kanto? Yung mga tropa ko ba?" tanong nya.

"Siguro"

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now