BS[40]

1.4K 99 131
                                    

[Jimin POV]

Kinakabahan ako.

Di ko alam kung anong sasabihin ko.

Meron kasing mga bagay na mahirap aminin at sabihin. Pero mahirap kapag nalagay ka sa sitwasyong nakadisgrasya ka.

Oo, ewan, di ko sure. Piling ko nakabuntis ako. Ito na siguro ang masamang dulot ng kalibugan ko.

Di ko naman sinasadya eh. Nadala lang siguro ako ng init. Ewan bahala na.

Ang mas nakakapag alala lang eh yung babae. Paano kung nalaman ng parents nyang ako ang ama ng bata? Baka patayin ako.

Lalo na ng angkan ko. Pag nalaman ni Mama at Papa na nakabuntis ang uniko-hijo nila baka patayin ako ni Papa.

Walang choice kundi ang manahimik. Hindi ito pedeng malaman ng kahit sino.

[Suga POV]

PUTANGINA

May boyfriend na si Misha? Gagu yun ah. Ambilis akong pinagpalit?

Pero sa bagay sinabi ko naman kasi sa kanya sa ang ang tiwala't pagmamahal, ang mga alaala ng nakaraan namin ay kalimutan nya na.

Sa bagay mukha namang mabait yung boyfriend nya kaya naman panatag nadin ako na napunta sya sa kamay ng mabuting lalaki.

Di nga, sinabi ko bang mabuting lalaki? Tss eh mukha ngang gago yung pinalit nya sakin eh.

Teka sinabi ko bang pinalit nya sakin! Aba putangina. Ayoko na ngang isipin yan.

[Misha POV]

Ambait naman nung Jackson kanina. Buti nalang dumating sya. Boyfriend at your service kuno.

Haha!! Ngayon eto naglalakad nanaman kasi nga wala akong pamasahe

Habang naglalakad ako may kotseng huminto sa gilid ko.

"Uy? Sakay ka na my girlfriend" sambit ni JACKSON.

"Aba? Haha feel mo na maging boyfriend ko ah?" sabi ko.

"Halika na. Sakay ka na ihahatid kita sa inyo" sabi nya.

"Ayoko. Nakakahiya"

"Hindi yan. Halika na. Baka may mang rape sayo dyan eh"

"Sige" ok tiwalang binigay agad.

Habang nasa kotse kami naalala ko naman si Suga kasi yung mga panahong sya ang nag da-drive diba? Haist.

"Bakit mo nga pala ako hinila bilang boyfriend? Atsaka sino yung lalake dun?" tanong ni Jackson.

"Eh kasi naman eh. Sinabi ko kasi sa kanya na may boyfriend na ako. Tapos nung nahulog ako sa may sea wall bigla mo kong sinalo kaya nakaisip ako ng kalokohan at pinakilala kitang boyfriend ko para atleast malaman nyang wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Sorry nga pala kanina kasi dinamay kita"

"Eh bakit nga kasi? Hindi naman yun yung gusto kong sagot eh. Bakit mo nga yun ginawa?"

"Ha? Kailangan ba ikwento ko lahat?!"

"Syempre para maintindihan ko"

"Sabagay. Para may malabasan na din ako ng sama ng loob. Eh kasi nga putangina ni Suga. Minahal ko sya ng sobra tapos putangina nya bigla syang nag ka-amnesia kaya yun inuto uto ni Monique. Kaya naman si Suga na tatanga-tanga nagpakasal kay Monique at hindi lang yun nabuntis pa ni Suga si Monique kaya yan happy family na ang mga puta. Tapos nung araw ng kasal nila sinabihan nya pa ako na ang tiwala't pagmamahal, ang mga alaala ng nakaraan natin ay kalimutan mo na. Aba gago diba?! Haist sige! Magpapaka amnesia nadin ako para di na ako masaktan! Gago si Suga sya lang ang minahal ko ng ganun tapos gagaguhin nya pa ako! Gago sya gago! Arghhh masisiraan ako ng bait. Tapos nung reception sinabihan nya pa ako ng bobo eh 99 ang IQ ko! Tanga ako kasi nagmamahal ako ng totoo! Lahat sinakripisyo ko, pero lahat ng yun nawala sa isang kislap mata lang! Tapos ngayon kakausap-usapin nya ako na parang walang nangyari?! Ayoko na nga syang kausapin eh kaya humantong pa sa puntong ng hila ako at ikaw yun. Gago talaga ako kahit kailan hahaha!!" ok andaldal ko.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu