BS[50] Final

1.4K 100 91
                                    

[Suga POV]

Putangina nakisakay na ako dito sa truck ng semento. Buti nga pinasakay nila ako sa harapan at hindi sa likod.





Sabi ko kasi sa kanila may hinahabol ako babae. Sabi ko hinahabol ko yung forever ko. Muntik na akong pababain ng driver dahil wala daw forever. Ahh okay.






"Saan ka ba bababa?" tanong ng katabi kong lalaki.






"Sa may Cubao po kuya. Dun sa mga bus liner" sambit ko.







"Ay ganun ba. Hanggang dito nalang kami sa may crossing dahil paliko kami sa may ortigas eh. Dito ka nalang namin ibaba sa may footbridge" sabi ng kuya.





"Sige po okay na ako dun. Salamat po talaga" sabi ko.







"Ayos lang yun basta pag nahabol mo na ang forever mo eh wag mo ng papakawalan. Madami na kasing nawalan ng forever" sabi ng Driver.





"Oh hanggang dito nalang" sabi nung kuya kaya bumaba na ako.




"Maraming salamat po!" sabi ko sabay akyat sa may footbridge.






Sige akyat lang Suga. Sana maabutan ko pa si Misha dun.








[Misha POV]


Pagdating namin ng Cubao ay hinanap na namin ang bus number na sasakyan namin.





"Tita ayun po yung bus number natin" turo ko dun sa bus.




Pupunta na sana kami dun ng biglang may nanghila sa braso ko.




Ng iharap nya ako sa kanya dun ko lang nakita na...




"JACKSON?!"


"Hindi ka pedeng umalis" sabi nya sakin.




"B-bakit?"



"Misha sino sya?" tanong ni Tita.




"Kaibigan ko po" sagot ko kay Tita.




"Jackson bitawan mo ko" sabi ko sa kanya.

Pero hindi nya padin ako binibitawan. Nakatitig lang sya sa mga mata ko at sobrang curious na curious ang itsura nya sakin.



"Antagal na kitang hinahanap ngayon ka pa aalis?" sabi nya at hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.



"Ano bang sinasabi mo? Bitawan mo ko Jackson nasasaktan ako" sabi ko sa kanya at pilit na pumipiglas sa hawak nya sa braso ko.



"Hindi ka pedeng umalis Misha. Matagal na kitang hinahanap. Wag mo na kaming iwan ni Mama" sabi nya.



Napatulala nalang ako sa kanya. Wag iwan ni Mama?



"Miaha hali ka na mauibusan na tayo ng upuan" hinila naman ako ni Tita pero mas hinigpitan ni Jackson ang pag hawak sa braso ko.


"Misha makinig ka sakin. Ako si Jackson, Ako ang Kuya mo" sabi ni Jackson.



Pero nakatulala lang talaga ako. Walang wala na ako sa sarili ko sa mga oras na 'to.


Ang pamilya ko, ang Kuya ko? Si Jackson ang Kuya ko? Bakit? Paano?




Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon