BS [6]

2.2K 167 59
                                    

[Suga POV]

Ang ganda ng ate ko at hot. Siguro madaming nakakagusto't nanliligaw sa kanya.

Kumakain na kami ng umagahan. Ngayon ko lang maranasan ang umupo sa harap ng lamesa na kasama si Manalotto at ang asawa't anak nya.

"Oh ngayon ang first day of school mo Suga diba?" tanong ng asawa nya.

"Opo" sagot ko.

"Kailangan mong mag behave dun dahil hindi tulad sa L.A iba ang ugali ng mga tao dito" sabi nya. Di ko kailangan ng mga payo mo.

"Tapos na po akong kumain" sabi ko at kinuha ang bag ko saka umalis.

Goodluck sa firstday of school ko. Sana madaming chix.

[Misha POV]

Teka asaan nanaman si Suga? Naku yari na talaga ako neto. Lagi ko nalang syang hinahayaang umalis na di ako kasama.

"Manang Elsa asaan po si Suga?" tanong ko kay Manang Elsa na nagdidilig dito sa labas.

"Ay naku Hija pumasok sa school"

"Ano po!!!? Saan pong school?" nag aaral pala yun?

"Nakita kong uniform nya kanina eh sa Jostan Tokyo sya" sagot ni Manang.

Agad akong lumabas ng mansion at tumawag ng trycicle.

"Kuya sa Jostan Tokyo po" sabi ko.

Pagdating ko dun...

"Bawal po ang pulubi dito" harang naman sakin ng guard sa may gate.

"Manong guard bastusan ba tayo? Mukha na pala akong pulubi ngayon?" pagsasarkato ko sa kanya. Putek sa suot kong ito pulubi pa talaga ang tinawag nya sakin ah.

"Sorry po, sino po ang pupuntahan nyo sa loob?" tanong nya. Aba't...

"Yung alaga ko pong bata, yung tsanak at walang galang, malibog at labas ang gilagid na bata. Sya po ang hinahanap ko" sabi ko at sinamahan ko pa ng ngiti.

Napa ngiti nalang din sya ng pilit "Sige po pumasok na kayo" sabi nya.

Pagpasok ko sa mismong school nila namangha agad ako kasi pang mayaman talaga etong school na'to. Pagpasok ko kasi bumungad na agad sakin ang malaki nilang soccer field at garden. Wow lang talaga pero wow din ang mga tingin sakin ng nga estudyante dito lalo na yung mga babae na kung makapagbulungan akala mo hindi ko naririnig! PUTANGINA LANG!

"Look at her, she is so iww"
"Yeah right, what kind of dress is that."
"I think she is maid"
"Haha you mean maid as in Maid that MADE IN CHINA?"
"Haha you're so corny"

Pinuntahan ko naman yung mga babaeng nagsisigawan na ang bulong.

"So you're telling me that im just a maid? A maid that MADE IN CHINA!? Huh, hindi ako made in china kasi made in korea ako!" sigaw ko sa kanila. Nagsi alisan nalang sila sa harap ko at tinuloy ang mga bulungan nila. Tss totoo namang hindi ako made in china kasi made in korea ako, nasa pilipinas nga lang.

Hinanap ko na ang room ni Suga pero di ko mahanap eh. Dapat pala kasi tinanong ko nalang kay Sir Manalotto kung anong section ng anak nya. Pero sigurado akong nasa last section itong si Suga hehe.

Pinanindigan ko naman ang pag akyat sa 3rd floor kung saan amdun ang last sections.

Bawat room binubusisi ko kung may kikislap bang gilagid pero wala. Sa sobrang busy akong tumingin sa bintana ng mga room di ko namalayang naka tingin na pala lahat ng estudyante sakin at pinagtatawanan ako.

"HOY WAG NYO NGA AKONG PAGTAWANAN!" sigaw ko sa kanila. Nagsi balikan naman sila sa normal at nagpatuloy na ako sa pagtingin sa mga room.

[3rd person's POV]

"Tangina pre may gumagalang katulong dito sa school natin"

"Pre magbalak na kayo. Ano may mga harina ba kayo dyan?"

"Meron Pre. Pinadala 'to ni Vincent samin para ibully si Gary pero mukhang dun nalang sa gumagalang katulong nalang natin ihanda ito hehe"

"Tara simulan na" nagsitayuan naman kami dala dala ang isang sakong harina.

Hinanda namin ito sa may hallway ng 4th floor.

Siguradong pupunta din dito yung babae eh kaya dito namin hinanda.

[Suga POV]

Nakita ko namang nagsi alisan ang mga classmate ko. Hindi ko alam kung anong meron pero balita sa buong school na may wirdong babae daw na nakapasok dito sa campus.

Kinutuban naman ako na baka si Misha yun pero ang alam ko galit sya sakin dahil sa nangyari kahapon kaya bakit naman sya pupunta dito diba? Atsaka malay nya bang dito ako nag aaral at di nya din alam na nag aaral ako.

Lumabas naman ako at nakasalubong ko si Andrei.

"Pre anong meron?" tanong ko.

"Pre may baliw na nakapasok dito sa school hahaha! Pag ti-tripan sya ng tropa nila Vincent." sabi nya at umalis.

Mistulang may malaking shooting ang mangyayari dito kasi lahat sila nagsilabasan at nagpuntahan sa may main hallway.

"Tangina hahaha yan na malapit na syang umakyat ng hagdan" sigaw nung lalaking nakadungaw sa hagdan.

Nakatingin lang ako sa tropa nila Vincent.

"Ayan na pre malapit na!" sabi ni Drey.

"Woooo~!" excited naman ang mga ibang estudyante dito.

"ITS SHOWTIME!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nila saka hinila ang lubid at natapon ang baldi na may harina dun sa kawawang babae.

"WOOOOOOOO!!!!!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!!" lahat sila nagsitawanan.

Nang tanggalin ng babae yung baldi na puno ng harina ay dun ko lang naaninag na ang kawawang babaeng yun pala ay si MISHA!!

Paano sya nakapunta dito!?

Agad akong naglakad papunta sa kanya.

"Excuse me excuse me" halos buong hallway natabunan ng mga tao kaya ang hirap makadaan.

"Hi Suga my babes" sabi ng babae. Kadiri sila.

"Excuse me. Tabi muna" sabi ko at pilit na nakikipagsiksikan.

Nang makarating ako dun ay tinanggal ko ang coat ko at pinatong sa balikat ni Misha. Kinuha ko naman ang panyo ko at pinunasan ang mukha nyang puno ng harina pati din ang buhok nya inihipan ko para maalis ang mga harina.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya at ngumiti ng pilit.

Humarap naman ako sa tropa nila Vincent.

"Vincent kailangan nyo ba talagang gawin 'to!?" galit na sigaw ko sa kanila.

Ngumisi naman si Vincent. Asar!

"Bakit naman? Ano mo ba yang babaeng yan?" tanong nya.

Tumingin naman ako kay Misha at binigyan sya ng tingin na MAKISAKAY-KA-NALANG-LOOK. Tumango naman sya.

"Well Pinsan ko sya" sabi ko.

[Misha POV]

"Well Pinsan ko sya" PUTANGINA SUGA.

Sa lahat ng pwede mong sabihin bakit PINSAN pa!?

Akala ko pa naman ang sasabihin nya eh "Well She's my girlfriend so you're not able to Bully her" oh diba pak na pak.

TO BE CONTINUED~

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now