BS [3]

2.9K 193 34
                                    

[SUGA POV]

Mahahablot ko na sana yung brief ko ng biglang umextra si Manalotto.

"Anong nangyayari dito? Misha? Suga?"

Napatigil naman kami sa pagtakbo at tumingin sa kanya.

"Misha, bakit hawak mo ang brief ng anak ko?"

"Pinahawak nya po sakin yan" sagot nya.

Aba putangina ako pa talaga nagpahawak nyan sa kanya ah?

"Hoy di totoo yan!" angal ko.

"Ahem, by the way simula ngayon ikaw na ang mag aasikaso sa mga kailangan ng anak ko. Siguraduhin mong mababago din ang ugali nya" sabi ni Manalotto sa baliw na katabi ko.

"Mabago ang ugali ko? Tss no way. Nag sasayang kalang ng oras. Dahil kahit kailan di ko na babaguhin ang ugali ko. Kasi pag bumait nanaman ako baka mauto nanaman ako ng kung sino sino tulad ng ginawa mo samin" sabi ko at umalis. Sinundan naman ako ng baliw na'to.

"Uy Suga? Bakit ka ba ganyan sa tatay mo?" sinusundan nya parin ako.

"Wala ka kasing alam" sabi ko habang naglalakad.

"Anong walang alam? You mean wala akong utak ganun ba ha!? Gusto mong sapak---"

"Tangina mo tumigil ka!"

"Tangina mo rin! Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh" angal pa nya habang sinusundan ako sa paglalakad.

"Kung gusto mo akong tulungan umalis ka na, iwanan mo na ako"

Tinitigan nya lang ako ng ilang segundo. Tapos biglang ngumiti, putek nababaliw na ata 'to ah?

"Suga?" naka ngiting tawag nya sakin. Ano nanaman ba? Sabi ko layuan nya ako pero ito nakuha pa akong ngitian, sapakin ko kaya 'to?

"Gusto mo ng bubble gum?" tanong nya.

"Bakit?"

"Baka kasi kailangan nyang gilagid mo" sabi nya saka tumakbo. Tss -__- akala naman nya hahabulin ko sya dahil sa inasar nya ako.

"Habuli mo ako~!!" sabi pa nya. Tangina nya ba? Anong tingin nya sakin tuta?

"Tss -___- bahala ka nga dyan" sabi ko at naglakad palayo.

"Uy saglit lang, wag mo akong iwan dito. Hoy Suga!?" sigaw nya sakin.

"Pwede ba lubayan mo na ako!" sigaw ko sa kanya.

Natahimik naman sya. Yan buti naman at good girl sya. Tahimik narin sa wakas ang paligid.

"AKALA MO NAMAN KASI NAKAKATUWA EH NOH, FEELING MO NAMAN KAYA KITA SINUSUNDAN EH DAHIL KINUKULIT KITA, SINUSUNDAN KITA KASI YUN ANG BILIN SAKIN NG TATAY MO NA BANTAYAN KITA AT WAG PAPABAYAAN! AYOKO KASING NASASAYANG ANG BINABAYAD SAKIN TAPOS DI KO NAMAN GINAGAWA ANG MGA OBLIGASYON KO! HINDI KASI AKO TULAD NG IBANG KATULONG DYAN NA BASTA BINAYARAN AY OKAY NA! TANGINA MO SUGA! UNANG ARAW PALANG NA KASAMA KITA NAG SASAWA NA AKO! PERO ANO NAMANG MAGAGAWA KO EH DITO NA AKO INIWAN NG NANAY KO PARA MAG TRABAHO! WALA NA AKONG PAMILYA SUGA, INIWAN LANG AKO NG NANAY KO SA LABAS NG BAHAY NG TATAY MO, WALA NA AKONG MAGULANG DI TULAD MO NA MAY NANAY AT TATAY PARIN KAHIT PAPANO PERO AKO!!!? WALANG WALA AKO KUMAPARA SAYO! WALA MAN AKONG ALAM DYAN SA SITWASYON MO KAILANGAN MO PARING GALANGIN ANG TATAY MO KASI ANAK KA NYA!" sigaw nya tapos pinunasan nya pa ang luha nya sabay alis.

"Ang korni naman nun, may iyak iyak pang nalalaman" sabi ko pagkalayo nya.

"Misha!!? Misha!!?" tawag ko sa kanya habang hinahabol sya.

"Ano!!!?" iritang sabi nya.

"Anong gusto mong pagkain? Ililibre kita" poker face kong sabi.

"Wala!" maglalakad na sana sya pero hinila ko ang kamay nya saka hinarap sakin.

"Tinatanong kita"

"Ano ba bitiwan mo nga ako! Sabi mo kanina layuan kita tapos ngayon hinahabol habol mo ako. MAY GUSTO KO BA SAKIN? GUSTO MO BA AKONG LIGAWAN!? ABA, PAG NALAMAN 'TO NG TATAY MO BAKA PALAYASIN NYA AKO"

"Wag ka ngang feeling. Kala mo naman mag kakagusto ako sa mga flat chested"

Napatingin naman sya sa dibdib nya saka tumingin sakin.

"Tangina ka Suga. Pati ba naman ang dibdib ko dinadamay mo!"

"Pati ba naman yung brief ko dinadamay mo" sagot ko rin. Akala nya siguro sya lang may isusumbat.

"Galit nga pala ako sayo tss dyan kana nga" sambit nya at naglakad na palayo sakin.

Psh -,- Wirdo.

"Hoy teka yung brief ko ibalik mo na!" sigaw ko kahit malayo na sya sakin.

"Hindi hindi mo na makikita ang brief mo! Bwiset ka Suga!" sigaw nya pabalik saka tumakbo pabalik ng mansion.

TO BE CONTINUED~

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon