BS[44]

1.3K 85 99
                                    

[Suga POV]

Antagal naman ata ni Misha. Anong oras na at wala padin sya dito.

Nilalamok na nga ako dito lahat lahat tapos wala padin.

Baka naman di sya pupunta dito. Baka naman kasama nya ngayon si Jackson?

Teka, kasama nya si Jackson?

Napabangon naman ako dito sa bench. At nag isip isip kung saan sila pedeng pumunta.

"Teka, hindi kaya nasa Motel sila ngayon? Teka bakit naman sila dun pupunta? Haist ano ba itong pumapasok sa utak ko? Pero paano kung nandun talaga sila? Bakit?!" agad akong sumakay sa kotse.

"Kung kinakailangan kong halug hugin ang buong Metro Manila mahanap lang si Misha, gagawin ko. Kahit na umabot pa ako hanggang sa madaling araw" sabi ko sa sarili ko saka pinaandar ang kotse.

[Misha POV]

"Jackson bakit andaming natutulog dito sa Rizal Park?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami

"Ewan ko din eh. Lagi naman may natutulog dito tuwing gantong oras. Hindi naman sila mga pulubi pero gusto nilang matulog dito. Yung iba naman family bonding nadin kaya dito sila" sabi nya.

"Tayo kaya? Tulog din tayo dito?" suggest ko kasi parang ansarap matulog dito.

"Edi sige. Kung yun ang gusto mo. Uy may nagbebenta dun ng sako" turo nya dun sa may lalaki.

"Kuya magkano po yan?" tanong ni Jackson sa Manong na nagbebenta ng sako yung talagang nakatahi na para higaan.

"30 Pesos po Sir" sambit ng Manong at binentahan kami.

Pagtapos namin bumili naghanap kami ng magandang pwesto at dun naglatag saka humiga.

"Jackson ngayon lang ako nakatulog sa dito" sabi ko at humarap sa kanya.

"Ako din. Siguro kung nalaman ni Mom na nandito ako natutulog baka pauwiin ako" sabi nya at humarap din sakin.

"Makakatulog kaya tayo dito ng walang unan at kumot?" tanong ko.

"Syempre, halika dito ka humiga" bumangon sya at umupo.

"Ok lang?" tanong ko

"Oo. Dito mo ipatong ulo mo" tapos nilagay ko ang ulo ko sa lap nya. Tapos hinubad nya ang jacket nya saka pinagkumot sakin.

"Yan makakatulog ka na ba?" tanong nya.

"Oo kaso paano ikaw?"

"Ok lang ako. Matulog ka na" sambit nya.

Sige sabi nya eh. Kaya naman ZZZZZZZZ~

[Suga POV]

Asaan na ba ang mga yun. Inaantok na ako.

Bigla ko naman nakita ang luneta park. Baka nandito sila?

Tinabi ko ang kotse ko at bumaba saka naglakad papasok ng park.

Andaming natutulog dito. Bakit naman kaya? Anong meron?

Pagtingin ko dun sa may harap ng malaking clock ng luneta ay andun sila Jackson at Misha.

Si Misha natutulog sa lap ni Jackson. Shet. That should be me!

Nagtago naman ako dito sa may likod ng clock at pinagmamasdan ang mga gagawin ni Jackson. Sigurado akong may gagawin yang kung ano kay Misha habang natutulog eh.

Nakit ko namang hinawakan ni Jackson ang kamay ni Misha. Aba gago yun ah?

Tapos saka nya hinalikan ang noo ni Misha. Aba ako lang pedeng gumawa nyan kay Misha noh!

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now