BS[16]-ANG PAGDATING

1.8K 118 44
                                    

SHET GUYS WAG NYONG ISIPING MINAMADALI KO AGAD ITONG STORY KO HAHA~ IPAPASOK KO AGAD ANG MGA PAKERS MEANS HADLANG SA BUHAY SI BHOUZSX SUGA AT NI MHIZSX MISHA HAHAALOLXD.

[Suga POV]

Gabi nanaman at pauwi na kami sa mansion. Pagkababa palang namin ni Misha ay pinilit ko syang ideretso sa sala para makapagpahinga muna sya kasi kung dederetso agad sya sa paglilinis eh baka magkasakit sya. Ayoko namang mangyari yun.

Pagtapak palang namin sa mansion ay eto na agad ang tumambad sakin...

"Oh Suga your here. Say hi to your Aunti Maurice and your soon to be fiance" tanginang bungad yan Manalotto. Tangina talagang buhay 'to.

"No, you can't just say it infront of my girlfriend. Wala na ba talagang natitirang kalayaan sa buhay ko!?"

"Anak wag ka namang ganyan sa harap ng mga bisita natin. Nakakahiya. By the way Monique he is Suga my son---"

"ANO BA MANALOTTO!? TANGINA TUMIGIL KANA WALA NA BA AKONG NATIRANG KALAYAAN HALOS LAHAT NALANG NG NANGYARI SA BUHAY KO AY PLANADO MO. GUSTO KO NAMAN YUNG MABUBUHAY AKO NG HINDI KA NAKIKIALAM EH. NAGHIWALAY KAYO NI MAMA, PINADALA MO KAMI SA L.A TAPOS NGAYON SASABIHIN MO NA IPAPAKASAL MO KO AT SINABI MO PA YUN SA HARAP NG GIRLFRIEND KO AH!? ANO BANG KLASENG AMA KA MANALOTTO. LALO MO LANG SINISIRA ANG TINGIN KO SAYO EH. BUONG BUHAY KO YOU RULED!!!" pagkasigaw ko nun hinila ko agad si Misha palabas ng mansion.

"Suga relaxed kalang" sabi ni Misha. Pinasakay ko ulit sya sa kotse at nag drive na ako para makalayo sa impyernong pamumuno ni Manalotto sa buhay ko.

Masakit para sakin kasi ipapakasal nya ako sa babaeng hindi ko naman kilala at di ko din naman mahal. Tapos sasabihin nya pa yun sa harap ni Misha. Tangina lang kasi mukha pa silang mga matapobre, buti nalang at nag mura ako para naman ma-turn off sakin yung babae pati yung nanay nya at para sila na din mismo ang umatras sa kasal. Gagawin ko ang lahat para di matuloy ang putanginang kasal na yan. Ayoko din na malayo sakin si Misha dahil di ako papayag.

Tutuparin ka ang hiling kong makasama si Misha habang kaya ko pa. Ayokong ikasal sa iba. Ok pa sana kung kay Misha nalang atleast kasundo ko minsan. Di talaga pwede 'to. Ayokong pinapangunahan ako sa mga gusto kong mangyari eh.

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko.

"Suga relaxed ka lang. Nag da-drive ka baka mabangga tayo" sabi ni Misha. Pilit nya akong pinapakalma kasi nangangatog na tong binti ko at nanginginig nadin ang kamay ko sa sobrang galit.

"Suga please pilitin mong kumalma"

"Suga wag kang ganyan natatakot ako"

"Suga tao ka pa ba?"

"Uy Suga?" kahit anong sabihin nya naka derekta parin ang mata ko sa kalsada. Yung tipong nakatulala nalang ako sa sobrang galit at maluha luha na'tong mata ko.

Hininto ko ang kotse sa may gilid ng kalsada. Napahampas ako sa manebela ko saka tumungo at umiyak. Di ko na alam ang gagawin ko, parang gusto ko ng magpakamatay.

"Suga tama na wag ka ng umiyak" naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Misha sa likod ko. Lumabas ako ng kotse at lumabas din sya.

Ang korni pero naiiyak talaga ako, gusto ko ng bumalik sa L.A gusto ko na bumalik kay Mama. Ayoko na dito. Gusto kong takasan lahat ng problema ko pero di pwede. Wala na ba talaga ibang paraan para maging masaya naman ako kahit isang araw lang. Isa lang naman hinihingi ko eh at yun ay ang kalayaan!

Bigla naman akong niyakap ni Misha. Sobrang sarap ng yakap na nararamdaman ko ngayon, yakap na punong puno ng pag asa, yakap na punong puno ng pagmamahal. Yumakap din ako sa kanya pabalik. Gusto kong mapantag kahit isang minuto lang.

"Suga tahan na, wag ka ng iiyak. Andito lang ako, aalalayan kita ok?" sabi nya tapos hinimas himas pa ang likod ko.

"Salamat Misha" sabi ko habang yakap parin sya. Parang ayoko ng humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya. Ayoko ng umalis sa pwestong 'to. Napakapanatag.

Napakalma nya ako. Sya palang ang taong nakapagpakalma sakin, naalala nyo nung nasa L.A pa ako yung time na nakipag karera ako kay Drey diba pinilit akong pakalmahin ni Clifford pero di ako kumalma kaya may nangyaring masama. At dahil sa di ko pagkalma nun dun nagsimula ang lahat hanggang sa mapunta ako dito sa kinatatayuan ko ngayon.

Napayapa bigla loob ko. Napakalma nya ako, kaya dapat lang na sya lagi ang kasama ko at hindi yung Monique.

"Suga uwi na ba tayo sa bahay nyo?" tanong nya.

"Hindi, ayoko pa. Pupunta tayo ng L.A pero sa ngayon dun muna tayo sa bahay nila Yumi at Yuki" sasakay na dapat ako sa kotse pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Wag mong sabihin iiwan mo ang magiging asawa mo?" tanong nya.

"Hindi ako magaasawa" sabi ko at sumakay na kami sa kotse saka pumunta papunta sa bahay ng mag kambal.

Sa ngayon ayoko munang umuwi sa bahay dahil siguradong gagawa ng paraan si Manalotto maikasal lang ako sa babaeng hindi ko naman mahal pero syempre gagawa din ako ng paraan para di ako maikasal sa babaeng yun.

"Suga paano kung hanapin ka sakin ni Sir Manalotto?" tanong ni Misha.

"Magpalit tayo ng number para wala tayong contact sa kanila."

"Pero bakit? Paano kung may emergency"

"Wala akong paki. Bahala sila sa buhay nila"

"Haist" narinig kong inda nya saka tumingin nalang sa labas.

Sorry Misha kung nadadamay ka sa mga problema ko pero ikaw lang ang makakatulong sakin sa ngayon, sana maintindihan mo. Di ko naman hahayaan na mapahamak ka eh kaya ayos lang. Atsaka ikaw ang girlfriend ko diba, it means babaeng kaibigan ko diba?

[Monique POV]

"Im sorry sa ginawang attitude ng anak ko Mrs. Manrique. Pero i will do my best para maipakasal sila ni Monique" sabi ni Mr.Manalotto kay Mom.

"Ok. Hope you will do that" sabi ni mom at lumabas na kami ng mansion saka sumakay sa car.

Well wala namang masyadong problema dun sa Suga eh. He's cute and also good looking. I think maiinlove agad ako sa kanya. I have no expirience about love kaya nga gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal ka pabalik. I will do my best para makuha ko sya. Lahat kasi ng gusto ko ay nakukuha ko kaya

From now on, Suga is mine.

"Mom gusto ko po bukas na bukas dun na ako titira sa bahay nila Suga" sabi ko. Napatingin naman sakin si Mom.

"Seriously? Anak wag kang magpadalos dalos sa mga desisyon mo." sabi ni Mom.

"Hindi Mom. Gusto ko talaga dun para narin makasama ko si Suga at malaman ko pa kung ano ang totoo nyang ugali. Gusto ko pang makilala ang lalakeng papakasalan ko" sabi ko.

Napa sigh nalang si Mom.
TO BE CONTINUED...

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now