BS[22]

1.6K 103 99
                                    

[Author POV]

Tangina may pov din pala ang otor? LOLXD puta ang korni.

Pagkauwi ng dalawa, i mean ni Suga at Misha.

Pag pasok nila ng mansion ay nandun pala si Monique na naghihintay sa kanila kahit 9:00 na ng gabi.

"Saan ba kayo galing? Bakit antagal nyo?" nakabusangot na sabi ni Monique.

"Nag date kami bakit?" nakangiting sabi ni Suga.

"Nag date? At talagang sinabi mo pa sakin yan ng nakangiti ah? Di mo ba alam na magiging asawa mo na ako? Di ka ba nag aalangan na baka masaktan ako lalo na't magkasama kayo ni Misha buong araw?" galit na sabi ni Monique.

"Bakit naman ako mag-aalangan na baka masaktan ka eh in the first place ikakasal lang tayo pero hindi ikaw ang mahal ko" sambit ni Suga at tumingin kay Misha.

"Misha umakyat kana sa kwarto" utos nya kay Misha at umakyat naman ito sa taas.

Bigla namang tumulo yung luha ni Monique makita nyang pinaakyat ni Suga si Misha sa kwarto.

"Oh bakit ka umiiyak" naiinis na tanong ni Suga.

"Kasi mahal na mahal kita Suga" mas tumindi ang iyak ni Monique.

"Ha?! Paano mo naman nasabing mahal mo na ako eh mahigit 5 days ka palamg dito?" nagtatakang naiinis na sabi ni Suga.

"Sa school, lagi kitang nakikita pero di mo ako napapansin na lagi akong nakatitig sayo kasi sa iba nakabaling ang atensyon mo. Simula ng makita kong nag naglalakad ka sa hallway ng building namin nagustuhan na kita hanggang sa makita kitang pinagtatanggol mo si Misha dun sa tropa nila Vincent mas lalong tumindi yung nararamdaman ko sayo lalo na nung mga bata tayo, una kitang nakilala 8 years old tayo, may governors meeting nun si Sir Manalotto at ang Dad ko. Dala dala ka ni Sir Manalotto nun. Habang nag uusap sila ni Daddy tayo naman lumabas at pumunta sa may garden, naalala ko pinagtanggol mo ko dun sa caterpillar na lumapat sa braso ko. Nakakaiyak isipin na iba ang mahal mo at hindi ako, ikakasal tayo pero hindi naman ako ang mahal mo" iyak nang iyak si Monique dahil sa one sided love nyang storya lolXD

Lumapit naman si Suga sa kanya at niyakap ito.

Ok sige, magkayakap si Suga at Monique habang si Misha naman ay nakasilip mula sa pinto ng kwarto ni Suga.

Pinunasan ni Suga ang luha ni Monique saka ulit ito niyakap.

"Sorry na, wag ka ng umiyak. Dapat kasi sinabi mo na noon na may gusto ka sakin" sabi ni Suga habang hinihimas ang likod ni Monique.

"Bakit naman?"

"Para di kita nasasaktan ng ganto"

"Kahit naman sabihin ko sayo si Misha parin ang mahal mo"

Ok sige magkayakapan sila, TANGINA ok lang naman ako. Hindi, ok lang talaga ako, hindi nga ako nasasaktan eh. Lol tangina korni ko.

"Suga nakakainis ka talaga" sabi ni Monique.

"Bakit naman?"

"Kasi niyayakap mo ko, tapos hindi naman ako ang mahal mo"

"Gaga wag kang malandi, kino-comfort lang kita."

"Salamat" sabi ni Monique pinunasan ang natitirang luha sa mata na may bahid ng muta yikksss.

"Wag ka ng umiyak, papangit ka lalo" sabi ni Suga. Napakalas naman si Monique sa yakap ni Suga.

"Buset ka, haist. Ang ganda ganda ko eh" natatawang sabi Monique.

"Asa" aalis na dapat si Suga pero tinawag ulit sya ni Monique.

Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Where stories live. Discover now