BS [7]

2.1K 167 41
                                    

[Misha POV]

Pagsakay namin sa kotse nya ay pinaandar nya agad ito ng mabilis. Ang galing nya mag drive.

"Ang galing mo naman pala mag maneho ng kotse" nakangiting sabi ko.

"Syempre racer ako eh" sagot nya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta"

"Aba talaga nga naman oh. Yan ba ang magandang lugar dito---"

"Wag ka na ngalang magsalita dyan"

Tumahimik naman ako.

"Bumaba ka na" sabi nya.

"Ha? Bakit naman ako bababa?" tanong ko sa kanya.

"Tara na kasi!" sigaw nya.

Lumabas naman ako ng kotse. Madami paring harina sa damit at buhok ko.

"Wow ang ganda naman ng shop na'to" sabi ko at pumasok kami sa loob.

"Goodmorning sir" sabi ng babae. Wow ang ganda ng babae mas maganda pa sya sakin. Malamang katulong lang ako eh.

"Hi Yoongi tagal nating di nagkita ah. Ahm eh sino sya?" tanong nung babae. Mukhang sya ang may ari nitong shop.

"Ahm its not important. Pwede bang gawin nyo syang tao" sabi ni Suga. Ano daw, gawin akong tao? Tao naman ako ah?

Lumingon naman sakin si Suga at hinawakan ang balikat ko saka ako tinitigan sa mata.

Ano naman kaya ang sasabihin nya? Kinakabahan ako eh. Baka naman sasabihin nyang mahal nya na ako o di kaya baka sabihin nyang may gusto na sya sakin o di kaya...

"Misha?" ang hot ng boses nya at ang lalim.

"Oh?"tanong ko

"TALIKURAN MO NA ANG PAGIGING UNGGOY MO" sabi nya at binigay ako dun sa babae.

"ANONG SABI MO!!!? SUGA PAPATAYIN KITA!!!!" nag wawala na ako sa loob. May humawak naman sa aking mga magagandang babae at pinunta na ako sa loob ng room nila.

"Hi Maam. This is beauty that your waiting for" sabi nya at nakangiti pa.

"Ano po ba kayo ni Sir Yoongi?" tanong sakin ng babae.

"Girlfriend nya po ba kayo?"

"Oo nga, sige na po sabihin nyo na" pinipilit ako ng mga staff nila.

"Pwede bang gawin nyo muna akong tao bago ko kayo sagutin sa mga tanong nyo?" sabi ko sa kanila.

Nag nod naman sila at pinunta ako sa shower room. Hiniludan nila ako dito sa may bathtab. Tinaggal nila ang mga harina sa buong katawan ko. Kinuskos nila ng mabuti ang mga libag. Wow lang kasi nangitim yung tubig.

Pinilian nila ako ng damit. Wow lang kasi yung pinasuot nila sakin eh bistidang pang mayaman. Maganda ang damit na suot ko ngayon at ang pinakamahirap na parte na di naman dapat mangyari.

ANG PAGSUOT NG HEELS. I Kennot na dis. Bakit naman kasi kailangan ko pang magsuot ng ganto. Atsaka putangina ni Suga bakit nya ako pinapaayos? May date ba kami? Eh kaya ko namang ayusan ang sarili ko ah? ATSAKA BAKIT NAMAN AKO MAKIKIPAG DATE SA KANYA, SI JIN LANG NAMAN ANG MAHAL KO. Katulong lang naman ako eh.

"Uhm miss pwede bang baban natin itong takong?" tanong ko sa babae.

Nakakapit lang ako dito sa babaeng nasa gilid ko.

"Sige po, meron naman po kami yung tig 3inchs eh" sabi nya at kinuha yung sapatos.


"Ayan Maam tapos ka na sa damit. Ngayon kailangan ka naman naming make up-an." pagkasabi nya nun agad nila akong pinaupo sa upuan na may malaking salamin sa harap.

Grabe ubos ang tigidig ko sa mukha! Ang kinis ng mukha ko. Napuksa lahat ng salot sa mukha ko!!! Ansaya saya ko~

[Suga POV]

Naging tao na kaya sya?

Tinalikuran na ba talaga nya ang pagiging unggoy hahaha!

Tumatawa tawa naman ako ng mag isa dito dahil sa sinabi ko kaninang talikuran na nya ang pagiging unggoy.

Mukha tuloy akong nababaliw na dito dahil naaalala ko nanaman yun hahahaha! Puta.

"Putangina mo Suga! Anong tinatawatawa mo dyan?" AYAN NA SYA!

Paglabas nya sa puting kurtina ibang iba na sya.

Bakit nag ii-slow motion ang lahat ng bagay?

Naglalakad sya papunta sakin?

Ano 'tong nangyayari sakin?

Bakit bumibilis tibok ng puso ko?

Putangina naman! Ano 'tong nararadaman ko?

Tangina tinalikuran nya lang pagiging unggoy nainlove na ako sa kanya?

Kalokohan. Bakit naman ako maiinlove sa unggoy na ngayon ay gorilla na? HAHAHAHA!!!!

Kakaisip ko ng mga bagay bagay di ko nalang naramdaman na sinapak nya na pala ako.

Natumba naman ako. Anlakas nyang sumapak, tumba agad ako.

"Putangina mo Suga! Oh sino na ang unggoy ngayon!?" galit na sabi nya.

"Ikaw parin" sagot ko.

"Aba't---"

TO BE CONTINUED~


Bhouzsx Suga [BOOK 1: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon