Prologue

23 3 0
                                    

   Si Realiana Cholest Laddaran o mas kilala bilang Reila Laddaran ay isang dalaga na kasalukuyang nasa ika labing dalawang baitang na nag aaral sa sarili nilang paaralan, ang Laddaran Romania University. 

Kilala siya ng karamihan dahil sa taglay niyang kagandahan, talino at husay sa lahat ng bagay. Tinagurian nga siyang 'Talented Girl' ng mga taong humahanga sa kanya. 

Marangya ang buhay nito at kayang kaya niyang makuha ang lahat sa isang iglap lang. Subalit para kay Reila, hindi sapat ang karangyaan ng buhay nila para sumaya siya. Walang materyal na bagay ang makakapantay sa mga totoong inaasam niya dahil kailan man, hinding hindi nabibili ng pera ang kasayahan na gusto niya.

Sa iyong palagay, hanggang saan nga ba kayang umabot ang ugali ng isang tao para lang makuha ang mga gusto nito?

Kaya mo bang isugal ang lahat ng mayroon ka para lang makuha mo ang mga inaasam mo? 

Kaya mo bang mag tiis habang nakatingin ka sa bagay na kinaiinggitan mo dahil alam mo sa sarili mong kailanman ay hindi mo iyon mararanasan? 

Handa ka bang maging makasarili makuha mo lang ang lahat ng sa tingin mo ay nararapat na para sa iyo?

Makakaya mo rin kayang lumaban sa lahat ng pagsubok na dadaan sa buhay mo kahit na alam mong dignidad at kaluluwa mo na ang kapalit nito?

"Manipulation is a contagious disease, much more dangerous than the flu because it can endure for a lifetime."

Everything Is Under Control (ONGOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя