Chapter Sixteen

3 0 0
                                    

   Gymnasium

"Eto na ang pagkain mga amo ko!" Parehas kaming napalingon ni Dickory sa kaibigan ko nang tawagin niya kami. 

Inilapag niya sa center table ang mga pagkain na niluto niya mula sa refrigerator ko. May dala rin siyang ibang snacks na matagal nang naka stock sa akin. Lumapit naman kami ni Dickory sa kanya para tulungan siyang mag ayos.

"Rei, hindi naman halatang takot kang magutom." Wika ni Vonny habang nag simula nang maglagay ng instant carbonara sa kanyang plato. 

"What do you mean?" Kumuha na rin ako ng plato para i abot kay Dickory na tahimik na ulit sa tabi ko.

"Ang dami mong pagkain sa ref at pantry mo, hindi mo ba ginagalaw ang mga iyon?"

"Uh, hindi?" Hindi ko siguradong sagot. Kahapon lang naman muli nag start ang pasok namin at hindi ako nagkaroon ng chance na bumisita dito. 

"Pwedeng pwede na akong tumira dito kung gugustuhin ko. May malinis na banyo, may kwarto, at may mini kitchen na puno ng pagkain. Grabe, para nang bahay!"

Totoo ang sinasabi ni Vonny. Actually ang lahat ng meron ako ngayon ay si ate ang may dahilan. Siya nga kasi yung dating President bago ako, maarte siya pag dating sa office niya. Ang kwento niya sa akin noon, ayaw niyang nakiki halo sa iba pag gusto niyang kumain kaya sinabi niya kay mommy na gusto niya ng kitchen... so my mom give  her request. Noon rin daw, mabilis siyang mapagod eh bawal na bawal iyon sa  kanya dahil sa asthma niya kaya nag pagawa rin si daddy ng kwarto para sa kanya. Kung baga, minana ko lang lahat ng ito at hanggang ngayon ay pinapanatili ng mga staff dahil sa utos ng mga magulang ko. 

Sa totoo lang, napaka swerte ng sunod na presidente na papalit sa akin.

"Nothing special in this office Vonny maliban nalang sa malinis na lamesa." Baliwala ko.

Napangiti ako ng makita ko ang malinis na lamesa ko. Alam ko bago matapos ang week na ito magiging madumi na naman yan dahil sa dami ng mga magiging tambak na school works at mga papeles na kailangan kong basahin isa-isa at i-approved. 

Nakarinig ako ng isang mahinang tawa kay Dickory habang nakain siya kaya nakuha niya ang atensyon ko. 

"What?" Tanong ko sa kanya. Pinipilit ko nang itago ang kilig ko para magkaroon ako ng lakas na maka usap siya ng ayos. 

"Typical problem of Laddaran." He said.

Nag kibit balikat nalang ako sa sinabi niya at nag simula na ring kumuha ng mga instant na pagkain. Kanina pa sila nakain habang ako ngayon pa lang mag sisimula. 

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo ng biglang tumunog ang cellphone ni Vonny. Napatingin kami sa kanya at mabilis niya namang tiningnan kung sino ang nag text.

"Ow shit!" Napataas ang kilay ko nang mag mura siya sa harap ko. "Bakit ngayon pa?" Patuloy na salita niya habang nag titipa sa cellphone. 

"What's wrong?" I ask.

"Kailangan ka sa gymnasium ngayon, Reila." Sagot niya. 

"Bakit raw?" Ibinaba ko ang hawak kong plato at kumuha ng tissue para mag punas ng bibig. Konti lang ang kinuha kong pagkain kasi hindi pa naman ako ganon ka gutom. 

"May commotion raw na nangyayari doon ngayon."

"Nasaan ang mga guard at peace officers?"

"They can't control it anymore!" Nag simula nang mag hysterical si Vonny. Alam niya kasing malala ang gulo pag hindi na kayang i control ng mga guard at peace officers ang gulo. 

"How about detention of teachers?" 

"Nandoon na rin sila pero walang magawa." Muling tumunog ang cellphone niya at mabilis na tiningnan niya iyon. "Here! May video!"

Everything Is Under Control (ONGOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora