Chapter Eleven

11 1 0
                                    

Headache

Naka upo ako ngayon kaharap ng isang lamesa. Napag desisyonan ko na ako na mismo ang kakausap sa lahat ng ito para mabigyan rin silang lahat ng karapat dapat na parusa. I won't tolerate their trashy actions. Kahit pa abutin ako ng hapon dito at hindi na ako maka abot sa klase ay wala na akong pakialam. Na contact ko na rin naman si dean tungkol rito.

Nasa harapan ko ngayon ang tatlong highschool student na babae. Hindi ako makapaniwala na sa edad nilang ito ay nagawa na nilang mang bully and the worst part is sa ospital bumagsak ang binully nila.

Nandito rin ngayon sa harapan ko ang magulang ng biktima na halatang galit na galit sa tatlong bata. Tinawag ko na rin naman ang atensyon ng mga magulang ng tatlo para alam ng mga iyon ang ginawang kasalanan ng kanilang anak.

"Good morning po mga Misis and Mister." Magalang na bati ko sa magulang ng biktima. Taray ah, feeling ko tuloy nasa isa akong paglilitis at ako ang judge sa korte. "I'd like to introduce myself, I'm Reila Laddaran, President of supreme student council."

Tumango ang mag asawa sa akin. Alam kong mayaman ang mga taong ito at ganon na rin ang magulang ng mga salarin kaya kailangan kong maging patas.

"Regarding to this incident, I would like to say sorry first sa nangyari sa anak ninyo." Baling ko sa magulang ng biktima. "I know we're also responsible for this too kaya nais ko pong ipaalam sa inyo na handa po kaming tumulong sa hospital bill at mga gamot po ng inyong anak."

"Kahit wag na!" Masungit na sagot sa akin nung ina. Napakagat naman ako ng labi ko para maiwasan ko ang pag sagot sa kanya.

Edi wag!

"Ang gusto ko ay mapa alis sa school na ito ang tatlong batang iyan!" Itinaas niya ang kanyang kamay at pinag duduro niya ang tatlong babae. "I can't believe na pinayagan ninyong pumasok sa University na ito ang mga taong katulad nila!"

"Hoy wag mo ngang pinag duduro ang anak namin!" Sigaw ng isa sa nanay nung tatlong bata.

"Tama, you're such a barakuda talaga!" Gatol pa ng isa.

"Ugaling kalye siya." Maarte namang dagdag ng isa pang nanay.

Wait parang alam ko na kung bakit nag aaway away yung mga batang ito. Mukhang namana lang nila yung mga ugali nila sa mga magulang nila. Grupo naman pala ito ng mga Marites punyeta.

"Mga mommies, please calm down po. Hindi po ito natin maayos kung mag aaway away rin kayo." Pagpapatigil sa kanila ni Mike. Mabuti naman at naisip niya iyon, pag ako ang nag patigil sa mga magulang na ito ay baka sa labas na ng University sila pulutin dahil sa asta nila.

Tumigil naman ang mga nanay at natahimik pero pasin ko pa rin ang pag tataray nila sa isa't-isa. Kaloka naman talaga! May mga pinag manahan ang kanilang mga anak.

"Based po sa nakasulat dito..." Hinawakan ko ang folder na naglalaman sa salaysay ng magulang ng biktima. "Pinag tulungan niyo raw tatlo na saktan ang kaibigan nyo dahil lang hindi niya kayo ginawan ng assignment, is that true?"

"Iww she's not our friend!"

"No, never nga kami umasa ng assignment sa freak na iyon."

"She's such a liar talaga!"

Masakit na talaga ang ulo sa pag kaka sabay sabay ng mga tao na mag salita. Ang hirap hirap nilang mga kausap, hello isa lang at marami sila. Required ba talaga na mag salita sila in unison? Baka kahit narrator hindi sila maintindihan.

Binasa ko lahat ng mga naka lagay sa testament ng biktima at hindi naman tumigil ang mga babae pati na rin ang mga nanay nila kaka bigay ng side comment kaya mas napapatagal kami. Mabuti na lang rin talaga at tumulong si Mike na awatin ang mga ito kasi kung pati pag awat ay sa akin baka naka tikim na sila sa aking lahat ng mga sampal sa ingay nila.

Everything Is Under Control (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon