Chapter Thirteen

8 1 0
                                    

Canteen

Wala sa sarili akong nag patuloy sa pag lalakad. Papunta na ako ngayon sa classroom, ayoko na muna tumigil sa office ko. Baka mamaya may sumalubong na naman sa aking panibagong problema.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Messiah.

Vigilant? Ako? May alam nga kaya siya? Nakakainis naman e, aalis na lang siya nag iwan pa ng isipin.

Nang makarating ako sa building namin, mabilis ko nang tinungo ang classroom. Alam kong late na ako pero no choice kasi kailangan mo mag habol ng lesson na hindi ko naabutan kahapon.

"Hi miss Laddaran, finally you're here!" Salubong sa aking ng subject teacher ko na nag kaklase na.

"Sorry for being late ma'am." Magalang na paumanhin ko.

"That's fine, take your seat na."

"Thank you po."

Mabilis akong nag lakad papunta sa upuan ko. Nakita ko na agad si Vonny na masama ang tingin sa akin, para siyang mangangain.

"Zup?" Bungad ko sa kanya pero ang sagot na natanggap ko ay tanging matalim na irap. Pasalamat talaga itong babae na ito na bestfriend ko siya, siya lang rin kasi ang nakaka gawa non sakin. May rason naman siya ngayon para mag tampo, for sure maghapon niya akong hinintay. Kami lang naman kasi ang mag kaibigan dito sa mundo. LOL!

"Can I borrow your notes?" Mahinang tanong ko.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero maya maya pa ay mahina niya rin namang binato sa lamesa ko ang notebook niya.

Wala talaga akong balak mag aral, but I need to pretend na nakikinig ako sa discussion. I'm Reila Laddaran, role model of everyone and that sucks.

"Canteen tayo later?" Muli kong tanong kay Vonny. Para akong boyfriend na nansusuyo sa tinotoyong girlfriend.

"Sus, narinig ko na yan." Sagot niya sa akin.

Bahagya akong natawa at binaling sa kanya ang atensyon ko. Ramdam ko naman kung mahuhuli kami ng teacher o hindi. "Dali na."

"Puppet ka naman."

"Hindi nga, sabay pa tayo pumunta."

"Wala akong gana kumain."

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko at muling bumalik sa maayos na pag kaka upo. Dineretsyo ko ang tingin sa harapan at di nagpakita ng kahit na anong reaksyon. Mahirap siya suyuin pero may alam akong isang salita na nakakapag palambot ng puso niya.

"Libre ko." Yes. That's the magic word.

Kahit hindi ko siya tingnan ngayon ay alam kong siya naman ang napa baling ng tingin sa akin. Naka ngiti na yan for sure, palibhasa kuripot sa sarili at gustong gusto laging magpa libre.

"Sure!"

Oh diba? Napaka bilis pumayag dahil sa magic word na sinabi ko.

Natapos na rin naman agad ang klase, infairness kahit papaano ay may natutunan ako. Wala kasi akong ibang ginawa kundi ang tumingin lang sa harapan.

"Ang bagal bagal mo naman!"

"Wait lang!" Inis na sagot ko kay Vonny.

Simula nung sinabi ko sa kanya na ililibre ko siya ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang pag madaliin ako. Kahit nung nasa klase pa pati teacher gusto niya pag madaliin na matapos.

Inaayos ko pa ngayon ang gamit ko pero siya ay dala dala na agad ang bag. Excited na excited? Akala mo naman first time na kakain.

"Tagal tagal mo naman diyan Rei eh!" Reklamo na naman niya.

Everything Is Under Control (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora