Chapter Seventeen

5 0 0
                                    

   Messy Mind

"The school year has just started again but all of you are also starting to cause trouble."

Nasa harapan nila akong lahat, nakaluhod pa rin sila at ang mga kamay ay naka taas at nasa likod ng ulo. Hindi maganda para sa akin na nakikita ko silang naka ganito ngayon pero wala akong magagawa, pag paulit ulit akong naging mabait sa kanila paulit ulit lang rin silang gagawa ng kaguluhan dito. 

"Who taught all of you the courage to start this kind of riot here in the University?"

Tahimik ang karamihan dito habang naka tungo pero may mangilan-ngilan akong hindi nakikitaan ng takot sa kanila at iyon ay halos yung mga college students at kabilang na doon si Messiah na nakatingin na naman sa akin na akala moy hindi natitinag. 

"What a shame, naturingan kayong may posisyon pero hindi nyo mapatigil ang simpleng away." Derekta ko rin siyang tiningnan. 

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa kanya bago inalis sa akin ang kanyang tingin. Nahiya ba siya sa sinabi ko kasi totoo?

"President Reila, sinubukan po namin pero masyado silang malalakas." Sagot sa akin ng isang security guard na mukhang nahihiya. 

Napataas ang kilay ko sa aking narinig. Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng taong ito sa tagal ko nang nag aaral sa LaRo University kaya mukhang bago lang ito. "Anong silbi ng posas mo? Anong silbi ng baril na nasa bewang mo? Anong silbi mo?"

Kaya nga may guard dito sa university, hindi ba? Di naman siguro sila binabayaran ng mga magulang ko para lang tumayo at tumunganga. Kung mga estudyante si nila mapatigil paano nalang pag may mga literal na masasamang tao ang pumasok rito.

"Realiana, labag ang sinasabi mo para sa rights ng mga estudyante." Wika naman ng isang professor na hindi ko kilala. Mukhang taga college campus ito pero kilala ako. 

"Correct me if I'm wrong but according to the LaRo Act. 0467: 'Anyone who does any kind of harm to a fellow student that could cause injuries, the authorities can be given the power to harm those people in order to stop what he or she is doing.' So that means may karapatan kayo, hindi yung hihintayin nyo pa na may pumutok na ulo, nahiwa ang braso at may nabalian ng buto."

Tiningnan ko yung tatlong estudyante na ginagamot na ngayon ng mga school nurse na pinatawag ko. Matapos ko kasing makita na halos lahat ng kasali sa gulo ay nagkaroon ng mga sugat, tumawag ako kay Vonny para mag pa kuha sa kanya ng mga taga medical field. Baka mamaya kasi mas lalong maging malala ang pang mangyari sa kanila. Maya maya lang ay parating na rin ang ambulansya na pinatawag ko dahil malalim yung pag kaka hiwa ng braso nung isang lalaki at para na rin ma examine agad yung taong nabalian ng buto. 

Hindi man ako kasali sa riot na ito, sobrang sumasakit na agad ang ulo ko sa oras na malaman ito nila mommy. Hindi ko ito maitatago sa kanila dahil marami silang mata ni daddy dito sa University kaya kahit hindi ko sabihin malalaman agad nila. 

"This will be the last time I will see you like this and if it happens again, I will not hesitate to expel all of you from LaRo University. Remember, I have the right to kick you out and you know what will happen next in your life when people hear that you been kicked in one of a prestigious school in the Philippines." 

Wala nang nag atubiling gumalaw o umangal man lang ni isa sa kanina kaya naging panatag ako. At least ngayon, alam kong kontrol ko na sila at bumalik na sila sa katinuan.

"Ayoko nang dalhin pa kayong lahat sa guidance office." Tss... sa dami ng mga estudyanteng ito di rin sila maiintindi lahat doon. "At hindi ko na rin kayo irereport sa dean office." Nakita ko ang malalim na pag buga ng hininga ng mga matatanda na kasali sa aking mga nasaway. "But it doesn't mean na babaliwalain ko nalang ito. Bago kayo umalis, kailangan nyong ilista ang mga pangalan niyo at kung anong year na kayo including those respected authorities, lahat kayo imomonitor sa loob ng isang buwan at wag na wag niyong kakalimutan ang usapan natin... this will be the last time na masasangkot kayong lahat sa gulo. Naiintindihan niyo ba ako?"

Everything Is Under Control (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon