Chapter Nine

15 1 0
                                    

(Authors Note: Hi 'Kay-ren' po and pag pronounce sa pangalan ni 'Karen' habang ang kay 'Kose' naman po ay 'Ko-s'.
Thank you, enjoy reading!)

______


Drunk

"Ayon si Kose mga dre!" Nag lingunan kami dahil sa malakas na boses na nag banggit sa pangalan ni kuya.

Agad naming napansin ang kumpulan ng mga lalaki, mabilis namang tumayo ang pinsan ko para salubungin sila. Tahimik naman kami ni Karen na naka tingin lang sa kanila at hinintay na lumapit sa amin.

Napansin ko na kumpleto sila, tiningnan ko sila isa isa at ang unang nakita nang mata ko ay si Messiah na naka kunot ang noo habang naka tingin sa akin. Ano na namang problema ng isang ito?

Inalis ko sa kanya ang aking paningin na sana ay di ko na lang ginawa dahil napabaling naman ako kay Dickory na naka ngiti habang nakikipag usap kay kuya. God bakit napaka gwapo nya? Napaka effortless naman ng karisma niya!

Mabiliis kong tinanggal kay Dickory ang tingin ko ng mag simula na silang mag si upuan pero nagulat ako ng maramdaman ko siyang tumabi sa akin. Pasimple kong hinawakan ang pisngi ko para itago ang pamumula noon, ramdam ko na kasi na ang init init nito. Wala na akong mask ngayon at hindi naman sobrang dilim kaya may chance na makita niya ang pamumula ko.

Oo may crush ako sa kanya pero ayoko naman ipangalandakan iyon ano. Hanggang crush lang yon at hindi na hihigit pa don.

Nang maramdaman kong naka recover na ko mula sa pamumula ay mabilis akong umayos ng tayo. Subalit di ko na naman inaasahan ang makikita ko, naka upo sa harapan ko si Messiah na nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon.

Yung totoo, ano bang meron sa lalaking ito at palagi nalang akong naiilang sa mga tingin niya? Wala naman siyang ginagawa pero parang ang laking epekto sakin ng mga mata niya.

"Kanina pa kayo dito?" Rinig kong tanong nung isa sa mga kaibigan ni kuya. Sa pagkakaalam ko ay si Gord ata iyon? Ewan basta iyon ang tanda ko.

Ang baho ng pangalan e kaya hindi ko na matandaan ng ayos.

"Halos kararating lang din namin." Sagot ni Kuya. "Oo nga pala, kasama ko ngayon ang kapatid ko si Karen at eto naman si Reila, pinsan ko." Tumango lang si Karen sa kanila habang ako naman ay kumaway na may ngiti sa labi.

Kita ko ang kislapan ng mga mata nila ng makita ako, ngayon lang ba sila naka kita ng magandang babae?

"Pinsan mo nga pala talaga siya, akala ko nagkamali lang ako ng rinig kanina." Wika naman nung isa pang lalaki.

Bakit hindi ba halata na magpipinsan kami? Hmm... sa bagay marami din naman nga kasing nagsasabi na parang foreign ang itsura ko at konti lang ang nakuha kong traits sa pamilya ni mommy, hindi ko rin kamukha ang daddy ko kaya hindi mo mapag hahalataan na isa akong Laddaran. Si ate talaga ang kamukha ng mga pinsan ko at pag itinabi nila ako sa kanila ay para akong galing sa ibang lahi.

"Yan ang pinaka maganda naming pinsan ano ba kayo." Pam bobola pa ni kuya sa akin kaya kunwariy tinaasan ko lang siya ng kilay at tinarayan.

Nag tawanan naman sila, pati ang crush ko ay nakisali rin pero ang pansin ko ay hindi gaanong nagbibigay ng emosyon si Messiah.

"Eto lang ba ang order nyo?" Tanong ni Dickory. "Order pa tayo, kulang ito sa atin."

Nag sigawan ang mga kaibigan niya ng 'treat,treat,treat' kaya walang nagawa ang isa kundi ang manlibre.

Everything Is Under Control (ONGOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat