Chapter Seven

19 1 0
                                    

Family Dinner

"Daan muna tayo sa inyo para sa mga damit mo?" Tanong sa akin ni kuya Kose.

Oo nga pala, wala nga pala akong gamit na dala kundi ang suot kong uniform ngayon kaya kailangan ko kumuha ng mga damit.

"Yes please." Wika ko.

Dumeretsyo muna kami sa bahay, pag kadating namin ay inaya ko muna si kuya na pumasok sa loob dahil sabi ko medyo matatagalan ako sa pag kuha.

"Wala ba kayong mga sasakyan?" Tanong niya sa akin ng makita niya ang parking lot namin na walang ni isang laman.

"Meron. Dala nila daddy at ate yung dalawa kaya wala dito ngayon."

"Hindi ba nag iinvest sila tita sa sasakyan? It's good investment too."

Mabilis akong napa iling, "No hindi sila mahilig sa sasakyan but they always bought a house and lot when they are bored." Pag tawa ko. "Dito ka na muna sa sala, may lalapit sayo na maid dyan maya maya para bigyan ka ng meryenda."

Kita ko naman ang pagka mangha sa mata ng pinsan ko bago ko siya iwan. Well that's true naman talaga. My parents loves to invest but not in cars. Bukod sa hindi sila mahilig sa mga sasakyan ayaw din nila na ka adikan namin iyon. Malapit daw kasi kami ni ate sa aksidente.

Kumuha ako ng gamit ko na good for two days, alam ko isang araw lang naman ako doon pero mas mabuti ng may extra just incase. Nag lagay din ako ng mga personal hygiene ko sa bag, syempre sa lahat ng bagay itong mga to ang hinding hindi ko pwedeng iwan. Nag shower na rin muna ako at nag palit na rin ng damit. Nag baon na din ako ng isang pares na uniform. May pasok pa ako bukas at masyadong hussle kung dito pa ko mag bibihis.

Nang makuntento na ko ay agad na akong bumaba sa hagdan at nakita ko na naman si kuya Kose na kumakain ng cookies at may pa juice pa habang nanonood ng basketball sa television namin. Feel at home na feel at home ah?

"Nakaka miss naman dito sa mansyon nyo Rei!" Mukhang nag eenjoy siya sa pag kaka upo niya sa couch kaya ibinaba ko na muna ang mga gamit ko. Maaga pa din naman para umuwi sa kanila.

"Ikaw e, ang tagal mo bumalik dito sa Pilipinas." Kumuha na rin ako ng cookies. Napangiti ako ng malasap ang sarap noon, for sure si ate ang nag bake nito. Mahilig kasi siya sa mga ganoong bagay. Masyadong talented ang kapatid ko e.

Hinintay ko lang si Kose na tapusin ang pinapanood niyang basketball bago kami tuluyang umalis para pumunta sa kanila.

Marami siyang naging kwento sa akin at to be honest napaka daldal niya, hindi parin siya nag babago. Nakakatuwa nga at close parin kami ngayon after so many years, sa pag kakatanda ko 12 years din silang wala dito. Akala nga namin aalis na talaga sila for good e, mabuti at bumalik sila dito.

"Maiba ako Reila, I want to go to LaVerde later, please come with me and then let's also try to include Karen." Pantukoy niya sa kapatid nyang lalaki na mas matanda lang sa akin ng isang taon.

Napaisip naman ako, kung pupunta kami mamaya sa LaVerde ibig sabihin may chance na makita ko mamaya si Vonny. Kung alam ko lang na yayayain niya rin naman pala ako sana pumayag nalang din ako sa alok ni Vonny.

"Sure!" Mabilis na pag payag ko.

Pumasok kami sa isang village at maya maya naman ay tinigil na niya ang sasakyan.

"We're here!" Anunsyo ni kuya Kose kaya na excite ako. Mabilis akong bumaba at di na ako nag abalang kunin ang mga gamit ko dahil kita ko namang may lumabas na maid mula sa bahay nila at nag tungo sa sasakyan.

"I'm excited to meet tita"

"Mas excited siya na makita ka." Tawa nito.

Ang mother ni kuya Kose ang pinaka close ko sa lahat ng relatives namin. I hate to say this pero mas mabait si Tita kaysa kay mommy kaya mas napalapit ako sa kanya noong bata ako. Turing nga niya sa akin ay parang tunay na anak.

Everything Is Under Control (ONGOING)Where stories live. Discover now