Chapter Four

14 1 0
                                    

King Messiah Arao

"Hi Messiah!"

"Look its Messiah!"

"Omg he looks so hot!"

Ilan lang iyan sa mga naririnig sa paligid habang nasa cafeteria nila kami. Hindi naman ako aware na sikat pala ang taong ito, sabagay gwapo naman kasi talaga siya at magaling daw mag basketball.

Pero syempre mas gwapo at mas magaling pa rin para sa akin si Dickory my crush. Sana makita ko siya ulit.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Messiah.

Tiningnan ko naman ang menu na meron dito sa cafeteria nila, infairness puro masasarap na pagkain. Mas maganda din ang mga siniserve dito kesa sa campus namin.

Since lunch na rin naman at gutom na ako, pumili nalang ako ng rice and crispy pata with drinks. See? Ganun kasarap mga siniserve dito.

Nung ibinigay na sa amin ang order ko, handa na sana akong mag bayad ng bigla niyang tinapik ang kamay ko.

Napakunot ang noo ko at tiningnan siya ng matanim. Wala pang kahit sino ang gumagawa sa akin non ha!

"I'll pay." Matanim niyang sabi at pag ka bigay niya ng pera ay siya na rin mismo ang nagdala ng pagkain ko. Take out ito, sa office niya nalang daw ako kumain.

Tahimik na lang akong nag lalakad at ganon rin siya. Alam ko namang safe ako sa University na ito pero parang hindi komportable ang sarili ko habang kasama ko siya o sadyang hindi lang ako sanay na tahimik ang kasama ko?

Si Vonny lang naman kasi ang kaibigan ko at sa tuwing naglalakad kami mag kasama ay napaka ingay niya.

Nakita kong papalapit na kami sa isang pintuan, sa kaliwa noon ay may nakasulat na Dean's office at sa kanan ay ang kanilang Professor's Faculty. Bali ang supreme student president office ay napag gigitnaan ng dalawa. Ang taray ah, mas maganda ang location ng office niya kesa sa akin.

May kinuha siyang susi mula sa dala niyang sports bag. Binuksan niya ang pinto at agad ko namang nahalimuyak ang lavender scent ng lugar kahit na nakapatay pa ang aircon.

Nilapag niya sa sofa ang mga gamit namin at saka nag bukas ng mga ilaw kaya mas nakita ko ng maayos ang kanyang office. Ang taray naman talaga, napaka linis ng paligid at animoy ni minsan ay hindi nagkakaroon ng alikabok. I wonder kung siya ba ang nag lilinis dito? Malamang hindi.

"You can sit and eat there first. I'll just take a shower so we can start our meeting." He said.

"Thank you, take your time."

Wala na itong naging reaksyon sa sinabi ko at kinuha na niya muli ang mga gamit niya bago pumasok sa isang pintuan. Naiwan ako ngayong mag isa kaya naupo muna ako sa sofa, may mini table dito kaya doon ko binuksan ang pagkain ko.

Naamoy ko pa lang ang crispy pata naka ramdam na ako agad ng gutom. Grabe ngayon lang ako nalipasan ng ganito katagal ah. Mabuti nalang talaga at nilibre ako ng Messiah na iyon kaya naka bayad siya sa paghihintay sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng biglang tumunog ang aking cellphone, nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang caller na iyon kaya kahit na alam kong di naman niya ako makikita sa screen ay inayos ko parin ang postura ko at pinilit lunukin lahat ng nasa bibig ko. Halos ma bulunan na nga ako, lintek kasi bakit walang tubig dito?

"H-hello mommy?" Salubong ko pagkatapos kong sagutin ang tawag.

"Where are you?" Malamig na tanong nito.

Alam kong hindi ito tatawag sa akin pag wala itong kailangan kaya nakaramdam ako ng kaba.

"In the office?" Napakagat ako ng labi at napapikit ng mariin. Bakit nag tutunong hindi sigurado ang sagot ko sa kanya?

Everything Is Under Control (ONGOING)Where stories live. Discover now