Chapter Eighteen

3 0 0
                                    

    Unfair

Isang malakas na sampal ang natanggap ng kanang pisngi ko pag tapak pa lang ng mga paa ko sa pintuan ng bahay. Ramdam ko agad ang pag iinit noon kaya mabilis kong kinagat ang ibabang labi ko para maiwasan ang mapa daing. 

"You're such a useless!" Sigaw sa akin ni mommy. 

Yeah right, tama naman siya. Wala ngang kwenta ang bunso niyang anak. 

"Bakit hinayaan mo na may mga ma ospital? Ang laki laki ng expectation ko sayo." Sumbat naman sa akin ng ama ko. 

"I'm sorry to disappoint both of you." Sagot ko sa kanila habang naka tungo. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila at natatakot rin akong makita nila ang paiyak ko nang mga mata. Baka mas lalo nila akong pag initan. Wala pa naman akong kahit na sinong kakampi sa bahay na ito ngayon. Kung tutuusin kayang kaya nila akong patayin ng walang laban rito sa bahay dahil wala parin si ate.

"Alam mo ba na madaming magulang ngayon ang tumatawag sa dean at gustong mag back out sa mga iniinvest nila dahil pakiramdam nila hindi na safe ang university dahil sa lumalabas na gulo sa social media."

"Hindi ko po alam ang tungkol sa bagay na yan."

"Hindi mo alam dahil masyado kang pabaya!"

"Mommy kakasimula lang naman kahapon ng pasukan, bigyan nyo ako ng oras at sisiguraduhin ko na maayos ko ang lahat ng gulo na ito."

"Siguraduhin mo lang talaga." Sabat ni daddy. Malamig ang mga tingin niya sa akin, ni minsan simula bata ako ay hindi ko pa siya nakikitaan ng kahit na anong reaksyon sa tuwing tinitingnan niya ako. "Aalis kami sa bansa ng mommy mo para samahan pansamantala ang ate mo sa mga kailangan niyang ayusin roon. Walang ibang maiiwan rito kung hindi ikaw kaya sa oras na makarinig pa muli kami ng kahit na anong di magandang pangyayari sa university, siguraduhin mo lang na hindi ka namin makikita sa pamamahay na ito."

"Dad!" Iyon na lang ang naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Seryoso ba silang iiwan talaga nila sa akin ang pamamahala sa malaking paaralan na iyon?

"Hindi mo ba kayang gawin iyon?" Tanong niya. 

"No... I mean yes I can do it pero kasi po... medyo nahihirapan lang ako dahil sa mga taga college area. Bago sila para sa akin..." 

"Then deal with it. Rule them."

Hindi ko na mapigilan na mapaluha. Talaga bang hindi nila maintindihan ang gusto kong iparating? Sinabi ko na mismo sa kanila na nahihirapan ako pero gusto pa rin nilang ipagpatuloy ang mga plano nilang pag iisa sa buong University.

"Anong iniiyak mo dyan?" Tanong sa akin ni mommy na naka taas ang kilay. "Mas matagal na naging pinuno ang ate mo kesa sayo kaya wag kang umakto na akala mo mas hirap na hirap ka kesa sa mga pinagdaanan niya noon."

"Mom magkaiba ang panahon namin ni ate!" Hindi ko na napigilan na managot. "Noon iisang area lang naman ang sakop niya!"

"Anong pinagkaiba ng mga nagawa niya sa mga ginagawa mo?"

"Hindi nyo kasi ako naiintindihan! Dati si ate nung nasa ganitong edad siya yung mga ka edad niya lang rin ang pinamumunuan niya pero ako ngayon pati mga kolehiyo kailangan kong kontrolin!"

"Sinasabi mo bang mahina ka?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mag lakad papalapit sa akin si mommy hanggang sa maging mag katapat na kami. Parang anytime soon ay tagang hihilahin na niya ang buhok ko para sabunutan ako ng malala. "Hindi kita ipinanganak at pinalaki para lang maging isang lampa at talunan Realiana!" Sigaw nito sa mismong mukha ko. 

Everything Is Under Control (ONGOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat