Chapter Three

14 1 0
                                    

Crush

Balot ng pag kainis at pagka inip ang mukha ko habang nag hihintay ako rito sa gymnasium ng University namin.

Katulad nga ng sinabi ni ma'am, binuksan na nga ng mga guard ang malaking gate na nag kokonekta sa campus namin at sa college campus kaya naman kalat ang mga estudyante pero kahit na ganun ay may rules pa rin naman na nagbabawal na gumala o pumunta sa ibang campus ng wala namang kailangang gawin.

Napatingin ako sa aking relo, mag iisang oras na pala ako sa lugar na ito at hanggang ngayon ay wala pa rin ang taong kailangan ko makausap.

Bakit ba naman kasi dito pa kami kailangan mag kita e may office naman ako at may office rin daw siya sa sampus nila? Ano tingin nya rito gymnasium meeting area?

Stupid dumb shit!

Naagaw ang atensyon ko nang may mag si daan na mga varsity player sa aking harapan. Maingay sila at madami, mukhang isang grupo ito ng basketball team. Base sa hubog ng kanilang mga katawan at tanggad, masasabi kong mga college ang mga ito.

Iisa lang rin naman kasi ang gymnasium ng mga senior at college dito sa University kaya hindi na kataka-takang nakikita ko sila ngayon.

Mukhang hindi nila ako napansin dahil sa mga ingay nila kaya napa ikot nalang ang mata ko. Punyeta nasaan na ba kasi ang Messiah na yon at ang tagal tagal niyang pinag aantay ang kagandahan ko ngayon?

Hindi pa ako kumakain kahit break time na dahil pinapasabi niya daw kuno na nag mamadali siya pero siya naman tong napaka tagal dumating?

"Dre tingnan nyo yon, mukhang pamilyar sa akin ang mukha niya." Malakas ang boses nung isang lalaki kaya di ko maitatangging narinig ko ang sinabi niya.

Wala naman akong pag dadalawang isip na tiningnan ang mga basketball player at tinaasan sila ng kilay. Pinag krus ko rin ang aking mga braso para malaman niyang naririnig ko siya.

"Mukha ngang pamilyar rin sakin." Sagot sa kanya ng isa.

Aaminin ko, gwapo silang lahat at mukhang habulin ng mga babae. Sa campus namin, parang wala pa ata akong nakaka salamuha na mga katulad nila. Hindi nila inaalis ang titig sa akin na para bang pinag lalantaran talaga nilang pinag uusapan nila ako.

Sayang mga gwapo nga sana kaso makapal ang mukha.

Tutal hindi rin naman nila inaalis ang mga titig nila sa akin ay hindi ko rin inaalis ang titig ko sa kanila.

I'm Reila Laddaran, and people know me as a eagle eye. Kung nakakamatay lang ang mga titig ay malamang patay na rin ang mga taong tinititigan ko.

"She's Realiana Laddaran." Nagulat ako ng sabihin ng isang lalaki ang pangalan ko. Mukhang nagulat rin sa kanya ang mga kaibigan niya. Hindi ko inaasahan na kilala niya pala ako pero siya naman ay hindi ko kilala.

Nag lakad ito papalapit sa akin kaya tumayo na ako. Hindi ko alam kung siya nga ito pero sana siya nga dahil kung hindi mag wawala na talaga ako dahil sa tagal kong pag hihintay dito.

"I'm sorry, pinaghintay ba kita?"

Confirm siya nga ang taong ito. Napansin kong mukha siyang pawis na pawis, ang buhok niya ay mukhang basa at magulo pero bagay naman sa kanya at in fairness ha, kahit isang dipa pa lang ang layo namin ay amoy na amoy ko na ang bango niya.

"By the way I'm King Messiah Arao and this is my friends." Lumapit sa amin ang mga lalaki pero isa lang ang naka agaw ng atensyon ko.

Hindi ko napigilang mapa nganga ng makita ko siya ng malapitan. Kilala ko siya, sino ang di makaka kilala sa kanya? Kahit sa high school at senior campus kilalang kilala siya dahil sa gwapo at galing niya sa basketball.

Everything Is Under Control (ONGOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt