Chapter Fourteen

5 0 0
                                    

   Abdominal Pain

"Rei, ang stressful naman ata ng umaga mo. Ngumiti ka nga diyan, mahaba pa ang araw." Nakarinig ako ng mga tawanan kaya tiningnan ko ng masama si kuya Kose na siyang nag salita. 

Tapos na silang lahat kumain habang kami ni Vonny ay nagsisimula pa lang dahil ang tagal dumating ng order namin kanina. Dami naman kasing pinalibre ni Vonny. 

Medyo naiinis rin ako dahil masyado silang maingay. Hindi ako sanay, gusto ko pag kumakain ako ay tahimik lang. Idagdag mo pa na may kuha ng kuha sa mga kinakain ko. 

"Stop!" Tinapik ko ang kamay ni Messiah na kanina pa ko inaasar. Siya ang kanina pa kuha ng kuha sa fries ko. Feeling close niya masyado. GRR!

"Ang dami dami niyan, mauubos mo ba yan?" Pang aasar niya pa sa akin. Mag tatangka na naman sana siyang hawakan ang french fries pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako nag tatapon ng pera kaya yes kaya ko ubusin yan!"

"Wow, hindi halata sayo na mahilig ka pala kumain ng mga oily foods." Namula ang pisngi ko nang biglang maki singit si Dickory sa usapan. Dalawang upuan ang pagitan naming dalawa, prente siyang naka upo sa kanyang monoblock habang naka hilig ang kaliwang braso sandalan ng upuan ni Gord at ang kanang braso naman niya ay may hawak na toothpick na kanyang kinakagat. Napaka effortless talaga ng pagiging gwapo ng isang ito. Kaya ko siya naging crush e. 

Yan, kaharutan mo Reila. 

"Kung alam niyo lang mga dre, mas madami pa sa ating kumain si Reila." Napa simangot na naman ako dahil kay kuya Kose.

"You have a thick face, don't you?" Hindi ko maiwasang mapa irap. Binuhay lang ata talaga siya ni Tita para lang mang asar ng mang asar. Sa kanilang lahat si kuya Kose ang pinaka maingay. Talo pa talaga ang babae.

Binaliwala ko na ang mga sinasabi nila at inenjoy ang pagkain ko. Sayang ang tapsilog, barbeque, doritos pati french fries at coke ko kung hindi ko sila eenjoyin. Masyado akong stress ngayon at stress eating lang ang nakakatanggal nito sa katawan ko. Saka isa pa, hindi naman kasi ako nataba so fuck it!

Habang ineenjoy ko ang pagkain ko ay nakita ko na naman ang kamay ni Messiah na pasimple na namang tinitira ang french fries ko. Muli kong inangat sa kanya ang tingin ko na siyang sana'y hindi ko na ginawa. 

Nag kasalubong ang mga mata naming dalawa, naka titig na naman siya sa akin ng deretsyo. Nakapangalumbaba siya habang tinitingnan ako ng taimtim, pakiramdam ko ay nahirapan ako bigla lumunok kaya mabilis kong kinuha ang coke ko. 

Ininom ko iyon ng hindi pinuputol ang tingin sa mga mata niya, feeling ko sinusubukan niya ako e. Palagi nalang siyang naka eye to eye contact sa akin, kung may bayad lang ang pag tingin sa maganda kong mukha malamang malaki na ang utang niya sa akin. 

"You know what, if you want my food you can just tell me. Ioorder kita ng para sayo."

Nakita kong sumingkit ang mga mata niya at biglang nagkaroon ng ngisi sa kanyang mga labi. This is not the first time na nakita ko siyang ngumisi pero bakit pakiramdam ko ay nag tindigan ang mga balahibo ko? Anong klaseng presensya ba talaga meron ang taong ito?

Lord, am I crazy? Do I need na mag pa admit na sa mental hospital?

"No, I don't want your food. I just want your..." Tumigil siya saglit at iniwas sa akin ang kanyang mga mata. Hindi nakaligtas sa akin ang pag kagat niya sa kanyang mapulang labi. That's new, huh? "This french fries." Pag kasabi niya noon ay nakita ko na lang na bigla na lang siyang kumuha ng fries at mabilis iyong sinubo. 

"What?" Gulo kong tanong. Parang baliw naman ang isang ito, kakasabi niya lang na ayaw niya ng pagkain ko pero kumuha parin siya ng fries ko. 

Wala na akong narinig na sagot pa sa kanya at hindi na rin siya muling nagtangkang kumuha kaya napapailing na ipinag patuloy ko ang pagkain ko ng walang imik. 

Everything Is Under Control (ONGOING)Where stories live. Discover now