Chapter Six

15 1 0
                                    

Ride

Uwian na namin at tapos na rin ang lahat ng klase. Wala naman akong maintindihan sa lessons kanina dahil nahuli na rin ako nung dumating ako sa room. Hindi na nga sana ako papasok kaso nag text sa akin si Vonny at hinahanap na niya ako.

Mabilis na natapos ang oras kanina habang mag kasama kami ni Dickory. Hindi parin ako maka recover sa ginawa naming dalawa, parang isang linggo ata ako nitong hindi makatulog kakaisip sa mga ngiti at tawa niya.

Hindi ko ineexpect na talagang sasakyan niya ang mga trip ko kanina. Bukod kasi sa tinulungan niya akong tapusin na ivandalize ang malaking pader sa parking lot ay inaya niya rin ako na lagyan din ng kulay ang ilan sa mga sasakyan na naroon.

Alam kong mali at hindi nakaka tuwa ang ginawa namin pero hindi ko na iyon naisip kasi siya naman ang kasama ko. Sinigurado ko naman na wala kaming naiwan na kahit na anong ebidensya. Tinuro ko rin kay Dickory ang mga blind spot ng CCTV kaya for sure ay nagawa niya ring mag ingat.

Hindi din naman ako takot na mahuli dahil kayang kaya kong takpan ang kalokohan na ito. Tungkol naman sa mga taong na purwisyo namin, siguro naman ay hindi sila sobra magagalit dahil pag nag car wash naman sila ay maalis rin ang mga nilagay namin.

We used washable paint instead of spray paint kasi, sana ay ma realize iyon ng mga napurwisyo namin at hindi galit ang pairalin nila. Si Dickory ang nakaisip noon. LOL!

Siguro kung may pinaka gugustuhin man akong part sa ginawa naming dalawa ay ang isang marka na nilagay namin sa pader at mga sasakyan. Marka na kaming dalawa lang ang nakaka alam. Ang sabi niya ay signature daw namin iyon. Mas lalo tuloy akong kinilig dahil doon.

"Hoy bakit ba kanina ka pa naka ngiti dyan? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

Bumalik ako sa reyalidad ng malakas akong hampasin ni Vonny sa kanang braso. Agad ko naman iyong dinaing at hinawakan, "What is it?"

Nag lalakad na nga pala kami ngayon papalabas ng campus. Marami kaming kasabayan at halos lahat sila ay nagsisiksikan. Gustong gustong maka labas? Akala mo naman mga isang taon na nakakulong dito. Mabuti nalang talaga at hindi kami kasali ni Vonny sa mga taong nag uunahan. Nasa likod kasi kami at talagang binabagalan namin ang lakad dahil ayokong mapalapit sa kung sino sino.

Ang unhygienic pa naman kaya ng mga tao rito pag labasan na, specially talaga yung mga dumb highschool student. Kadiri. Dumaan rin naman kami sa ganoong grade pero hindi naman kami sobrang dugyot.

Ewan ko ba sa ibang mga nag aaral dito, naturingan na mayaman lahat pero walang proper manners. Next time nga sasabihin ko yon sa parents ko para makapag bigay sila utos sa mga official ng schools. Nakakahiya naman kasi na makikita ng mga taga ibang school yu g mga estudyante dito sa University namin na ganito ang mga asal. Baka sabihin hindi nagtuturo dito ng good moral and public etiquette.

"Tinang mo to! Ang sabi ko ay pupunta ako tonight sa LaVerde, sasama ka ba?" Oo nga pala, iyon nga pala ang kanina niya pang tinatanong sa akin.

"No. Hindi ako pwede tonight." Pagtanggi ko. Ang LaVerde kasi ang tinaguriang tambayan place ng mga taga LaRo University na seniors at college. Sa gabi lang iyon bukas para sa mga estudyanteng mga gustong magsaya.

"Wow, first time ah?" Umakto pa si Vonny na gulat na gulat kaya siniringan ko siya ng mata.

"May plano ako mamaya."

"Oh? Ano naman iyon?"

"Hindi ako sa bahay matutulog kundi sa pinsan ko. Galing silang Italy at matagal na palang naka uwi rito pero ngayon ko lang nalaman."

Everything Is Under Control (ONGOING)Where stories live. Discover now