Chapter Ten

13 1 0
                                    

Problem

"Niece here's your ice pack." Inabot sa akin ni tita ang aking hinihingi kanina kaya tinanggap ko naman iyon at mabilis na nilagay sa ulo ko. "At eto naman sayo anak kong pangit!" Inabutan niya rin si kuya Kose.

Umaga na ngayon at balita ko kay Karen ay mag aalas tres na kami naka uwi kagabi. Lasing daw kaming dalawa ni kuya Kose kaya siya ang mag isang nag alalay sa amin. Mabuti nalang at marunong na rin mag drive ang pinsan kong iyon kaya hindi kami na stranded.

Puyat na puyat ako at wala akong ganang pumasok ngayon sa totoo lang. Kung pwede nga lang na umabsent ngayong araw kaso hindi e, madami pa kong dapat gawin at isa pa baka makarating kanila mommy na wala ako sa university mamaya. Lagot na naman ako sa kanila.

"Ang sakit ng ulo ko!" Rinig kong ungot ni kuya Kose habang may nakapatong rin na ice pack sa ulo niya at sumisimsim siya ng kape.

"Ako, masakit ang mukha ko." Inis na wika naman ni Karen. Lahat kami ay bihis na pati si Karen, sa LaRo rin pala siya papasok at first year college na siya.

Kanina ko pa napapansin na may pasa siya sa kaliwang labi pati na rin sa ibaba ng kanang mata niya. Nakakapagtaka naman, saan naman ito napa away? Wala naman ang mga pasang iyon sa mukha niya kagabi bago kami umalis.

"I told you, you should put ice pack on your face too baby boy." Concern na sabi ni Tita. Napangiwi naman ako sa tinawag niya sa anak, sus laki laki na masyado pang binibaby. Kaya hindi nag kaka girlfriend si Karen e.

"No mom. Hahayaan ko lang ito sa mukha ko para may rason akong gantihan ang isang magaling na tao diyan." Hindi nakatakas sa aking paningin ang matatalim na titig ni Karen sa kanyang kuya kaya hindi ko na mapigilan mag tanong.

"What happened to your face, Karen?"

"Someone punch me just because I stop him drinking." Inayos niya ang polo na suot-suot niya. "Masyadong inggit kasi mas gwapo ako sa kanya." Dagdag pa nito.

Napa iling nalang ako, gets ko na agad kung ano ang pinagmulan ng away nila kagabi. Hindi na ako nagtataka dahil pareho naman silang mahangin at isa pa may anger issue talaga si kuya Kose bata pa lang kami kaya niya siguro nagawa iyon sa kapatid niya.

"Look Karen, wala nga sabi ako sa sarili ko kagabi. I swear you look punching bag last night kaya ayon..." Sumimsim muli siya sa kanyang kape. Napa taas naman ang kilay ko sa aking narinig, sira ulo ata itong pinsan ko. "At mas gwapo naman talaga ako sa ating dalawa."

"Hays, you both look so stupid right now." Komento ko.

"You're right, niece."

Natawa naman ako ng sumang ayon sa akin si tita habang naka tingin pa sa dalawa niyang anak na nag susukatan ng tingin. Tingnan mo ito, siguro napapa isip si tita kung bakit ba naging ganito ang dalawa niyang anak. LOL!

"Are you two done eating? Ma l-late na tayo." Inip na wika ko habang naka tingin sa aking wristwatch. 30 minutes nalang at time na, 15 minutes ang byahe namin depende pa kung traffic.

Dahil sa sinabi ko ay pareho silang tumayo at sabay na sinukbit ang kanilang bag. Napapa iling nalang ako na tumayo na rin bago hinarap si tita.

"Tita thank you so much for welcoming me here again." Niyakap ko siya at ganon rin naman siya sa akin. "Next time ulit po, pupuntahan ko kayo dito."

"Sure my beautiful niece." Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. Napaka sweet na tao talaga nito, sana ganito rin ang ugali ni mommy. Kung ano kasi ang ikinabait ni tita ay siya namang ikinasungit ni mommy. "Just let me know if you want to stay over here, ako ang bahala sa mommy mo." Kinindatan niya pa ako.

Everything Is Under Control (ONGOING)Where stories live. Discover now