1

2.4K 50 0
                                    

''The problem with title and power... is that it results to intimidation.''

Tumango ako habang nakikinig sa professor ko. He was pointing the word intimidation in the white board, emphasizing it. Hindi ko mapigilang um-agree dahil totoo nga naman. Nakaka-intimidate ang mga taong may title at power... dahil in reality, they can do everything that favors them, right?

They can stretch and extend the law... They can even bend it, too.

''Moreso when title and power is mixed with wealth... and age. What do you think?''

''Yes, Sir.''

''And most of the time, when these are mixed and is in effect to the people, intimation comes in. And that's it! That's where the conflict comes.''

Halos lahat sa loob ay tumango. Hindi ko pa gaanong naiintindihan 'yung huling sinabi ng professor namin nang bigla ko na lang naramdaman ang kalabit ng katabi ko, si Ligaya.

''Pst.. Pst. Joshien,'' bulong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagsulat na lang sa notebook ko. Paulit-ulit kong ni replay sa utak ko 'yung sinabi ni Mr. Pitronilla, pero hindi ko pa rin maintindihan.

Moreso when title and power is mixed with wealth... and age.

Intimidation.

Moreso when title and power is mixed with wealth... and age.

Intimidation.

Hmm. Naiintindihan ko pa 'yung title and power... and maybe a little bit of wealth too. Dahilan kung bakit nagre-resulta iyon sa intimidasyon. But age? Anong kinalaman no'n?

''Joshien... Huy! Pansinin mo naman ako!''

I gave her a side glance, confused. ''Ano ba?! Ingay mo!''

Nag pout siya. ''Magtatanong lang, e. Saan ka ba magi-internship? Napasa mo na ba 'yung papers mo?'' bulong niya. ''Mayroon na akong company na papasukan. Yay! Ikaw ba? Ano? Law firm ba? Government agency?''

Nanlaki ang mga mata ko at naalala na kailangan ko pa lang tawagan si Ate Angelie ngayon! Siya kasi ang nagpasok sa akin sa City Hall para roon mag internship, at sinabi niyang kailangan ko siyang tawagan ng hapon para malaman kung go-gora ba ako o hindi. At kung hindi man, kailangan ko na agad maghanap ng kompanya o agency kung saan ako magi-internship. Shit! Muntik ko nang makalimutan!

Nag-angat ako ng tingin sa orasan at nakitang 2:06PM na. Oh my God! Napakagat ako ng labi. Sir, overtime ka na! Gusto ko sanang sabihin 'yon pero malilintikan ako! Ano ba naman 'to! Ayoko ng ganitong nagagahol ako! Nakakainis!

Nagligpit na ako ng gamit kahit na naririnig ko pa rin na nagsasalita si Sir. Ah, basta! Pasado na rin naman ako, e! Sa grades ko noong prelim and midterms, baka pati grades ko pang-4th year, pasok pa!

''Oh, bakit ka natataranta?'' bulong niya ulit. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at napa-awang nang malaki ang bibig ng may mapagtanto. Napalunok ako. ''OMG! Don't tell me wala ka pang nahahanap?!'' bulong niya ngunit malakas ang pitch no'n.

''Ssh! Mayroon na pero may kailangan akong habulin para sa confirmation ng internship! Shit! Anong oras ba aalis si Sir?''

''Ha? Bukas na ang deadline no'n 'di b-''

''Class dismissed. Please visit me tomorrow for the confirmation of your internship. See you tomorrow, class.''

Halos hindi ko na tinapos ang sinabi ni Sir at agad na akong tumayo at sinabit sa balikat ko ang bag.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now