11

1.3K 42 14
                                    

Note: thank you for the 1k reads for TRLK! matsalove!

11

''You are my boss.''

Hinayaan kong manatili ang tingin ko sa kanya— nakataas ang kilay na tinitignan ang mata, pababa sa adams apple niyang napansin ko ang paggalaw dahil sa paglunok. He licked his lips then tilted his head, amused. Instead of looking away, I challenged him by looking at him longer.

"Besides, hindi ko kayang makipag-kaibigan sa isang katulad mo."

Nagkibit-balikat ako matapos sabihin iyon. Ni hindi ko nga makuha ang rason niya sa kung bakit niya ako gustong maging kaibigan, e. Dahil kung titignan, weirdo 'yun. Like, hello?! Mayor siya ng lungsod na 'to. He's the highest official of this city and him, offering me a friendship is... unusual. Intern ako. And I'm way younger than him. Hindi man ganoon kalaki ang agwat pero mas matanda pa rin siya sa akin.

It doesn't sit well with me.

Well, atleast for me.

"Is there qualifications to be your friend?'' He arched a brow. He held his hands together and placed it against the table, leaning closer to me. Hindi ko mapigilang mapansin ang pag-ngisi niya.

''Kung willing kang magbayad ng million; cash at buo, okay. Payag ako.'' Humalakhak ako. Biro lang 'yon pero nang nilapat ko ang tingin sa kanya, para bang willing siyang bigyan nga ako ng pera. Mas napahalakhak ako. '''Di ko alam kung seryoso ka riyan pero sana hindi. Internship naman ang pinunta ko rito, hindi kaibigan.''

Tila ba nagtaka siya dahil pag-awang ng kanyang labi. He's looking at me intently, like he's drawn and captivated, then I heard him whisper. ''Why are you making this a big deal?''

''Am I making this a big deal?'' I asked back, offended. ''Ikaw nga 'tong patay na patay na maging kaibigan ako, e. Tapos ako ang ginagawa 'tong big deal? Excuse me?''

Malakas siyang humalakhak at napatingala, malalim na napalunok bago muling natatawang binalik ang tingin sa akin. "I said that to myself. Not to you."

Nagtaas ako ng kilay.

''What is it that I can do for you to befriend me?'' dagdag niya.

Pinulot ko na ang mga dokumento at naghanda nang umalis. Kaonting revision at pag-ayos na lang ng typographical error, pwedeng-pwede na itong isalang sa Sanggunian para sa 1st reading. Napangisi ako.

Ano ba kasi ang depinisyon ng pagiging kaibigan? Marami akong kaibigan simula highschool, may iba pa nga na ako ang tinuturing na Ate, o 'di kaya ay kapatid na. Pero ano ba talaga ang depinisyon ng pagiging kaibigan? Kapag naging kaibigan ko ba si Mayor Hassen, ibig sabihin, pwede siyang bumisita sa bahay katulad ng kung anong ginagawa ni Ligaya at Saddie?

Pero hindi pwede. Nako, siguradong masisikipan siya sa bahay. Anak mayaman pa naman siya.

Kapag naging kaibigan ko ba siya, ibig sabihin, ibabahagi ko na rin sa kanya ang mga problema ko, katulad sa kung paano kami ni Ligaya tuwing nalulungkot kaming dalawa?

Kaya 'to weird. Kung magiging kaibigan ko siya, hindi 'yon simpleng hi o hello tuwing makakasalubong ko siya. O' 'di kaya ay pagbati tuwing magkikita kami sa flag ceremony. Malalim ang koneksyon ng dalawang mag kaibigan, mayroon ba kami no'n?

Bukod do'n, katulad na nga ng sabi ko, siya ang mayor ng lugar na 'to. At mas matanda siya sa akin.

There is... an invisible line between us because of the dynamics of our well, power. Ang weird kasi na... kaibigan ko, mayor? Tapos ako na kaibigan niya, intern sa kung saan siya ang boss? Weirdo 'yun. Imbes na maging komportable dahil kaibigan ko siya, ma-intimidate lang ako dahil kaibigan ko ang boss ko.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now