2

1.6K 45 1
                                    

2


''Naghanda na ako ng hotdog, itlog, saka tuyo. Nilagay ko na 'yon sa lunch box mo ha, Yen?'' Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. ''Wala pa kasing akong kinikita sa palengke... Hingi ka na lang muna kay Tatay. Hmm?''

Napangiti ako at agad siyang niyakap. Dapat nasa trabaho na sila ni Tatay ngayon, pero pinili nilang manatili muna para maipag-handa ako at maihatid sa City Hall. Walang problema kung hindi niya ako mabibigyan ng baon, may pera pa naman ako na natira roon sa kinita ko sa isang gig ko.

''Thank you sa pagluto, Nanay! Huwag mo nang isipin 'yung pera pang baon... mayroon pa naman ako rito. '' Hinalikan ko ang pisngi niya na siya'y kinatawa. ''Promise, good girl ako ro'n! 'Di ako mangdadaldal!''

''Hay nako, Yen, ang swerte ko talaga sa 'yo.'' Pinisil niya ang pisngi ko. ''Kaya kahit dumaldal ka pa, ayos lang! Basta magpapakabait ka roon, ha? Naikwento ko na sa mga kabitbahay natin na sa City Hall ka magta-trabaho!'' Hagikhik niya. ''Akala nila big time na tayo!''

Ngumuso ako. ''Nay naman! Internship lang 'yun! Requirement sa curriculum ko!''

Paano ba naman kasi, dito sa compound namin, malaman lang na sa City Hall ka nagta-trabaho, bigtime ka na. Ewan ko ba. Nahulaan ko nang ipagyayabang 'yon ni Nanay, hindi ko naman siya masisisi kasi proud lang naman siya sa akin. Ang ayoko lang, 'yung lalapit ang mga kapitbahay sa pamilya namin para magpatulong.

Ayoko kasing maabala. Pati rin sina Nanay. Madalas ang sistema kasi kapag nalalaman nilang may malapit na kakilala na sa City Hall nagta-trabaho, nagpapatulong sila. Wala namang problema roon, e. Willing naman akong tumulong kung alam ko ang kailangan nila. 

Ang problema ay ang palakasan. Kadalasan, mga nagpapalakas para makapasok sa City Hall mag-trabaho.

Ayoko no'n! Kung gusto nilang doon magtrabaho, edi mag apply sila! Simple!

''Kahit na! Ano ka ba, anak, ang galing-galing mo! Baka i-absorb ka roon! Marami akong narinig sa mga kaibigan ko riyan sa kanto, kinuha rin sila ng opisina kung saan sila nag-internship. Malay mo, ganoon ka rin!'' Hinawakan niya ang balikat ko at pinisil.

''Nanay... alam mo naman na gusto kong mag law school, 'di ba?'' malumanay kong sabi.

Bumagsak ang kamay niya, ganoon din ang puso ko. Ilang beses nang sinabi sa akin ni Nanay at Tatay na... hirap silang paaralin ako at ang kapatid ko. Si Nanay kasi, nagtitinda sa palengke. Si Tatay, tricycle driver. Hindi naman kami ganoon kahirap. Madalas sapat ang kinikita nila, minsan hindi, kaya kailangan mangutang kaya... hindi ko sila masisisi kung ngayon pa lang, natatakot silang patuloy akong paaralin. 

Kaya nga lumaki akong gusto kong yumaman. Gusto ko ng maraming pera. Kasi habang lumalaki ako, 'yung kakulangan namin sa pera ang naririnig ko.

'''Nak... Saka na muna natin isipin 'yan, ha?'' Hinaplos niyang muli ang likod ko. Napansin ko ang pangingilid ng luha niya. Siguro, nahihiya na naman si Nanay. Isang beses ko na siyang narinig na nahihiya sa akin, kasi nga mataas ang pangarap ko pero... hindi nila ako kayang tustusan. Madalas, naiiyak na lang din ako kasi alam kong gustong-gusto ko maging abogado pero mahirap kasi... wala naman kaming pera. ''Oh, siya, Yen. Hinihintay ka na ng Papa. Magpapakabait ka roon, ha? Maging mabait ka sa kanila. Huwag na huwag mong kalilimutang gumalang!''

Mariin kong tinikom ang bibig at tumango. ''All goods, Nanay! Pupuntahan ko naman muna si Ate Angelie, magpapasama ako sa kanya roon sa opisina.''

Hinatid niya na ako palabas ng compound at naabutan ko roon si Tatay.

''Tay! Tara na po?'' Nagmano ako sa kanya. 

''Pasok na, Yenyen! Ay kagabi pa ako hindi makatulog at ako ang nae-excite para sa 'yo! May anak na akong sa City Hall nagta-trabaho!''

The Red Light KissWhere stories live. Discover now