6

1.5K 47 20
                                    

6


''Luto na ba? Baka malabsak na 'yan!'' Nakapamewang na puna ni Ligaya.

Agad kong pinatay ang kalan at saka 'yon nilagay sa strainer para matanggal ang tubig. Buti na lang at napuna 'yon ni Ligaya dahil kung hindi, baka malabsak na nga ang pancit canton!

''Mas masarap kayang malabsak!'' sigaw ni Saddie mula sa labas. Nandoon siya sa maliit naming sala.

''Edi magluto ka ng iyo nang hindi ka nagre-reklamo riyan! Arte mo!'' sagot ni Ligaya.

Habang tinitignan ang pagbagsak ng tubig sa lababo ay natatawa kong tinignan si Ligaya na nanonood din. Nandito sila ni Saddie ngayon sa bahay para bumisita. Sabado kasi at pare-pareho kaming walang pasok. Communication ang course niya sa UST, hindi naman gano'n kalayo mula sa university namin pero kumpara kay Ligaya, mas madalang kaming magkita.

At dahil nandito sila sa bahay, wala silang choice kung hindi ito ang kainin. May ulam naman na adobong atay, pero dahil nami-miss na naming kumain ng pancit canton at ayaw nila sa atay, 'yun na lang ang napagpasyahan naming kainin. Naglaga rin ako ng itlog. May dala naman silang coke kaya ayos na rin. Mabubusog na kami rito.

''Ako na rito.'' Kinuha ni Ligaya ang anim na nilagang itlog at saka lumabas na para pumunta sa sala. Tumango ako.

Dalawang araw na simula nang makilala ko sa personal si Mayor Hassen. Pagbalik ko noon sa opisina ni Konsi Corie, ay agad silang nagtanong. Sinabi ko lang na... mananatili ako sa pagiging intern at binalik niya ang lunchbox ko.

Apparently, may lamang pagkain 'yung lunchbox. Ikinagulat ko nga iyon. Hindi na kasi 'yung natirang ulam ko noong lunes 'yung nasa loob, tatlong sandwhich 'yon. Isang cheese na may bacon, tuna melt, saka sausage and cheese! Galing sa isang coffee shop na kilala ang mga 'yon!

Pero hindi ko kinain lahat. Kinagatan ko lang 'yung cheese with bacon na sandwhich, masarap naman pero lasang pangmayaman. Parang... lasang foreign? Ganoon. Ilang oras ko bago naubos 'yon kasi may niluto naman si Tito Benny noong Thursday. Inuwi ko na lang at pinakain kay Kwinie na tuwang-tuwa.

It weirded me out, okay. Bakit niya nilagyan ng sandwhich ang luncbox ko? At 'yung mamahalin pa! Pwede namang bumili na lang ng tinapay tapos lagyan ng peanut butter na color orange ang takip! Nag-abala pa!

Siguro dahil alam niyang inabala niya ako? At somehow... ipinahiya rin? Hello! Inanunsyo lang naman niya na pinapatawag niya ako sa harap ng mga konsehal at ng vice mayor! Kung hindi siya nahiya sa ginawa niya, ay ewan ko na lang kung anong klaseng konsensya ang mayroon siya! Tuwing lumalabas na ako sa 7th floor, nararamdaman kong may nakatingin na sa akin! Kaya kung pangpalubang loob 'yung sandwhich, 'wag na lang!

Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Kahit na malaking bagay na makilala ko ang Mayor namin, para bang wala lang naman 'yun sa akin. I thought about it for hours... Iniisip ko kung mayroon bang pride o tuwa manlang sa akin dahil madali ko lang siyang nakilala. Other people would have to book a schedule to the Mayor, but in my case I had it easy. Ayoko na nga lang maulit dahil hindi maganda ang dahilan no'n.

''Don't you think it was power tripping? I mean, in front of many, really?'' si Saddie 'yon pagkatapos niyang nguyain ang pancit canton.

Ngumuso ako. Kanina pa namin pinag-uusapan 'yung nangyari noong Thursday habang kumakain dito sa sahig. May maliit naman na mesa sa harap namin at nando'n ang mga pagkain, kasama ang coke na dala nila. Pinapaikutan namin ang mesa. Ako sa gitna, at sa magkabilang gilid ko naman si Saddie at Ligaya. Nakwento ko kasi 'yung ganap sa session hall, nag-uusap din naman kami tungkol sa internship.

''Gaga. Anong power tripping do'n? Buti pa kung pinahiya niya si Joshien doon mismo sa hall! E', obviously, hindi naman kasi pinatawag niya nga sa opisina!'' si Ligaya.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now