8

1.2K 44 8
                                    

8


''Parang hindi naman yata appropriate na sabay tayong mag lunch dito sa opisina mo, Mayor,'' I said emphasizing his position.

He looked at me with a faint of smile on his face. Nasa kabilang banda kami ng kanyang opisina malapit sa bintana, kung nasaan ang isang table kung saan kami kakain.

''Why would it be inappropriate though? This is just lunch.''

''Yes but you are technically the boss. No boss eat their lunch with their employees. Specifically to an intern, like me,'' sagot ko.

I sat in front of him. Ayokong pumayag noong una pero dumating na kasi ang pagkain. Sayang naman 'yun kung walang kakain, at sigurado naman akong hindi 'yon kakainin lahat ni Mayor Hassen. He ordered enough and eating with him wouldn't hurt, I guess.

Nagtaas siya ng kilay. ''I eat lunch with my staff sometimes.''

''Staff? Marami kayo?'' I asked.

Kinuha ko ang styrofoam at binuksan. Mayroong gulay sa gilid, broccoli at sayote pero ang pinaka nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang fried porkchop at tapa. Agad kong naamoy ang ulam at nagutom. Wow! Mukhang masarap naman pala ang pagkain sa canteen!

Kumuha siya ng tissue at doon ni wrap ang isang kutsara't tinidor saka inabot sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, gulat sa ginawa pero kinuha ko na lang. I couldn't comprehend well that an intern, like me, is eating together with the Mayor of this city. Wow.

His brows furrowed. ''Yes...''

''So ito ang unang beses mo na kumain na kayong dalawa lang ng empleyado mo?'' Nag-taas ako ng kilay.

Nag-iwas siya ng tingin, saka tumikhim. ''Yes. What's with the questions? Just eat.''

How come that of all people, ako pa ang niyaya niya para kumain kasama siya? At unang beses! So I assume that he really do eat lunch with his staffs pero marami sila! Bakit ngayon, kami lang? 'Di ba siya naiilang?

''My stand is still firm. I still don't think it is appropriate to eat your lunch with an employee, Mayor,'' sagot ko at binalewala na lang ang paninitig niya ngayon. Kinuha ko ang tinidor at saka 'yon tinusok sa broccoli at kinagatan. Yum!

''Maybe you can drop the Mayor now, Joshien,'' aniya. Napatigil ako sa pag-nguya at napa-angat ng tingin sa kanya nang tawagin niya ako sa pangalan. He's looking at me, stopping a smile to form in his lips. He looked at his wrist watch before looking at me again.''It's break time. I'm not your boss now so please drop the formality.''

He started to eat habang ako ay gulat pa rin sa bigla niyang pagtawag sa pangalan ko, halos hindi na mapansin ang iba pang sinabi niya. It shocked me and I don't think it had sunk in to me yet!

''Anong sabi m-''

''Just call me Hassen. Or Fiscal. Whatever pleases you, Joshien.''

Pinantayan ko ang titig niya. Ilang segundo rin siguro kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa pinutol niya sa pag-iwas ng tingin.

''Wow,'' that's the only thing I was able to say. ''First name basis? Really?"

''Yeah. I think you can consider me as your friend.''

Napahalakhak ako. Gago ba 'to?

''Friend? Kaibigan kita? Parang ayoko naman yata.'' Napailing-iling ako, nakangiti habang kumakain. Nakangiti na rin siya. Hindi ko alam ang dahilan ng tuwa ko pero baliw na yata ako. Hindi ako makapaniwala sa conversation na 'to. ''Pwedeng bang i-reject 'yang friendship na gusto mo?''

The Red Light KissWhere stories live. Discover now