7

1.2K 44 33
                                    

7


''Is there something wrong?'' mariin tanong ni Konsi Corie pagkatapos maglakad at humarap sa amin ni Mayor Hassen.

Para bang naubusan ako ng dugo sa katawan. Nakataas ang kilay at madilim ang expression ni Konsi Corie, para bang hindi niya gusto ang nangyayari. Ganoon din ako. Masyado kaming nakakapukaw ng pansin at hindi ko 'yon gusto!

''Nothing, Konsehala. I just...'' Tinignan ako ni Mayor Hassen, nakapamulsa pa rin ngunit nakaharap na kay Konsi Corie. Napairap ako. ''Remember the ordinance you want to carry out before filing in the Sanggunian, Madam Konsehala? I reviewed the clauses last night. I also annotated to highlight my thoughts about it. There are discrepancies and the budget for next year isn't enough, based on the sections included in your ordinance. You might want to revise it. I'll hand it to your intern.''

Konsi Corie looked at him, then me. Paulit-ulit niya 'yong ginawa hanggang sa tumikhim siya.

''That's good then. And... is that the only reason... or there is more that I don't know?'' she skeptically asked.

''That's it, Tita. Don't worry, this will be the last.'' Yumuko siya ng bahagya, bilang pagpapaalam pagkatapos ay hinigit na ako para makasakay na ng elevator.

Naiirita ako. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o wala lang siyang ibang mautusan. Sa dami ba ng staff niya, wala siyang mapapakiusapan doon na iabot ang papeles sa opisina ni Konsi? Besides, isang floor lang naman ang pagitan! Wala ba siyang paa para bumaba na lang, miski maghagdan, para siya mismo ang magbigay kay Konsehala?

Mas maganda 'yon kaysa ipaabot niya sa akin. He can discuss it to her so Konsehala would clearly know the things that need to be improved! Hindi niya ba naisip 'yon?!

Napairap ako nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Na unang lumabas ang mga security, saka sumunod si Mayor. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ako makapaniwala na ako ang nautusan para rito.

Kung ordinaryong araw, ayos lang. Pero alam kong nananadya siya! Gusto niya ba akong inisin? Galitin?

He arched a brow when he noticed that I'm not moving.

''Hindi riyan ang opisina ko,'' sabi niya.

Umigting ang panga ko. Kahit na ayokong lumabas, ginawa ko na lang para matapos na 'to. Ni hindi pa kami nakakapasok sa opisina niya pero gusto ko na agad umalis!

His face was smug, it's like a mixture of entertained and indifference. Habang ako, halos pigilan ang pag-usok ng tenga ko. May pagitan ang distansya namin habang naglalakad, ayokong magdikit kami.

Everything was fast. Nakapasok na kami sa opisina niya at naiwan sa labas si Ma'am Weng, isa sa staff niya. Kaming dalawa lang ang nasa loob at agad siyang dumiretso sa desk niya at umupo.

"Asan na 'yung papeles?" bungad ko.

"Oh! Yes. I remember." Umupo siya nang tuwid at tinignan muna ako, nagtataka. "Aren't you going to seat?"

"Aren't you going to make it fast?" sagot ko.

He chuckled. "Chill. Bakit ang init ng ulo mo sa akin?"

"Bakit mo ako pinagti-trip-an?" Ako naman ang nag-taas ng kilay. "Anyway, pakikuha na lang ang papeles, Mayor. Kailangan ako sa opisina ni Konsehala. At kung ibibigay mo na ang papeles, tutulong ako sa pag revise, tulad ng sabi mong kailangan niya."

The side of his lips rose. "You can't. You aren't a lawyer."

"And you are not the one to decide that." Lumapit ako sa harapan ng desk niya at tumayo, nakapamewang. "So please, with all due respect Mayor, pakibigay na."

The Red Light KissWhere stories live. Discover now