Simula

3.1K 68 4
                                    

Date Started: January 20 2022

SIMULA

I let out a deep sigh as I stared at the chocolate fountain in front of me. Using the stick, I pierced three marshmallows bago ito dalhin sa ibaba para mapaliguan nang malapot na tsokolate.

As I deep the stick more ay mabilis pa sa hanging kumurba ang ngiwi sa labi ko. The excess of the chocolate syrup spreads in a dirty way, slowly dripping inappropriately. Masyadong messy, and dirty. In short, hindi kaaya-aya.

"Shit.." I can't help but utter a series of profanity. Pikit matang kinuha ko ang isang paper plate to support the stick properly. I don’t want to be given more unfavourable comments just because of this.

But I guess, I don't have to be cautious anymore. Alam ko namang sa bawat galaw ko ay may mga matang nakamasid sa akin. Hinusgahan na kaagad ang mga kilos ko at ang mga masamang balak na wala naman talaga sa plano ko.

"Pathetic.." Palihim na napataas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

Mula sa harapan ay tumalikod ako. Bumungad naman sa akin ang mga pinsan kong babae. Nakasuot sila ng mga lumang kasuotan; mga baro't saya na sumalungat naman sa modernong dekorasyon ng venue.

This is probably the main theme of this party. Well, I'm not informed kaya siguro pinagtitinginan ako ng mga tao rito pagkapasok ko.

I was just wearing fitted high-waist jeans and a long-sleeved crop top. It was much simpler than their clothes, much cheaper than their expensive dresses.

"Sana 'di ka na lang pumunta pa, Agleya." Umirap si Hope. Halata ang kairetablehan sa pagmumukha niya nang makita ako ngayon dito.

Palihim akong napabuntong hininga sa narinig. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit Hope ang ipinangalan sa kanya nila Uncle. Hindi kase bagay. Masyadong malayo sa personality na mayroon siya.  That may be yes and Hope is her name, we both know na siya naman ang tunay na walang pag-asa sa aming dalawa.

"Oh, talaga ba? Edi sana hindi niyo na lang ako inimbita," walang kagana-ganang salita ko.

"You weren't really invited on this occasion, Ugly-ya." Napairap ako sa pag-iiba na naman niya sa pangalan ko. "Sino ba kase ang nag-imbita sa babaeng 'yan?" tanong niya pa.

Lumingon siya sa mga pinsan naming kapwa umiling lang habang nagkikibit-balikat bilang pagtugon sa kanya. Mga nagulat at nasurpresa rin nang makita ako. Hindi dahil inaasahan nila akong magpunta rito kung hindi dahil ayaw din nila sa presensiya ko. Actually, hindi na nga nakakapagtaka na magkakasundo palagi sila.

Most of the Trinidad clan members didn't like me at all. For many undeniable reasons, they hate me really.. really much.

And I'm used to it, very very much.

Baka nga magulat pa ako kung maging mabait sila sa akin. Dahil sa totoo lang, hindi sila 'yung mga taong maaari mong matawag bilang good samaritan—Mas bagay pa nga sa kanila 'yung devil in disguise na titulo.

Kadalasan, nagbabalat kayo lamang sila gamit ang kanilang magagandang kasuotan, mamahaling kagamitan at malawak na kapangyarihan. Palagi silang nagmamalinis at naghuhugas kamay kahit na napakasahol pa sa maduming basahan 'yung mga katauhan nila.

"Answer my damn question!" Hope let out harshly, glaring at me but also glancing at our supposed-to-be cousins.

"W-We really don't know, Hope." Pigil ang ngising kumuha ako ng cake sa kabilang gilid dahil sa sabay-sabay na pagsagot ng mga ito. "You know that we didn't care about this girl.."

Malakas na napaasik si Hope. Dismayado ang ekspresyon niya. Tuwing nakikita ako ng babaeng ito, palaging na lang nati-trigger 'yung anger issue niya. She really despised me.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now