Kabanata 02

1.3K 39 26
                                    

KABANATA 02

Sabi nila kapag lalaki ang gipit sa bakla kumakapit. Well, let me tell you a secret. Kapag si Agleya Caleigh naman ang gipit, saan pa ba kakapit? Syempre sa not so oldy sugar daddy!

Kaya ngayon ay narito ako sa pinagtanungan kong bar sa isla. Paradise Club ang kilalang tawag sa lugar na ito. If you want to have fun at night, this is one of the best choices. They have a great music taste. Kabogera ang mga disco light. Pagkapasok ko pa lang kanina, sobrang wild na ng mga tao. Maraming nagsasayawan sa dance floor habang bigay na bigay naman sa pag-inom ng alak ang iba.

May kaartehan akong umupo sa tool na nakita kong bakante sa unahan. Mula sa harapan ay sinenyasan ko agad ang isang bartender. Mabilis naman itong lumapit sa akin at nakangiting nagtanong ng maiinom ko.

"Blackberry drink, please." mahinhing sabi ko at nagawa pang ilagay ang medyo pinakulutang buhok sa likod.

"Right away, miss!" Kumindat siya sa akin at pinagkrus ko lamang ang mga hita.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. Nakalitaw ang makinis kong balat ngayon.
Mula sa binti hanggang ibabaw ng tuhod, pinalibutan ito ng black lace nung heels na suot ko. Hapit na hapit naman sa kurba ko ang backless dress na pinili ko sa wardrobe ko kanina. Itinerno ko ito sa dala kong bilugan na purse ngayon.

"Hello, pretty babe. Are you alone?" Palihim akong napangisi nang may maupo kaagad na lalaki sa tabi ko.

Tinignan ko muna ang mukha niya kung mukha siyang mapera at nang makitang feeling gwapo lang ito ay nawala kaagad ang thrill na kumalabit sa dibdib ko kanina.

"May kasama ako," mabilis pa sa hanging sagot ko kahit wala naman talaga. "So if you don't mind, umalis ka d'yan sa upuan niya."

Unti-unting nawala ang nang-aakit na ngisi sa labi niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Sabi ko na nga ba e. Sa ayos pa lang.. Mukha na siyang manyak.

"Wag ka nang pa-hard to get miss," aniya. Ipinatong niya ang magaspang na kamay sa hita ko.

"Don't touch me." Iniwas ko ang katawan ko sa kanya. "You nonsense shit."

"Gusto ko 'yan.." Kumintab sa kasabikan ang mga mata niya. Creepy! "Palaban."

Napabuntong hininga ako at lumayo na sa kanya. Tumayo ako at akmang tatalikuran na lamang siya nang higitan niya naman ang braso ko. Masyado na iyong mahigpit kumpara sa paghawak niya sa akin kanina kaya naubos na ang pagtitimpi ko.

"Ano ba!" Kumawala ako sa kanya. Ngunit ang loko ay nilapit pa ang katawan sa akin. "Ang bango mo naman miss.."

"Aba't gago ka talaga ano?!" singhal ko. Nanggagalaiti kong hinampas sa kanya ang hawak kong purse. Tinulak ko siya sa counter, and because he didn't expect that, he immediately fell.

Nilingon ko ang kadarating lang na bartender. Kinuha ko roon ang drinks ko. Nang makita kong makakatayo agad ang lalaking nambastos sa akin, walang pangundangan kong ibinuhos ito sa kanya. Napapikit siya. At dahil hindi pa ako nakuntento, dinampot ko rin ang bucket of ice tubes na nasa mesa ng isang lalaki sa gilid.

"Pasensiya na.." paalam ko pa at ipinaligo ang ice tube sa manyak na lalaking ito. Tuluyan nang nanlalaki ang mga mata niya, at mukhang na siyang basang sisiw ngayon sa harapan ko.

Pumirmi lalo ang labi ko. Bagaman nakakakuha na kami ng atensyon sa paligid ay hindi na ako nagkaroon pa ng pakealam at pinaghahampas na siya ng lagayan nung ice tube. Kumalansing ang tunog nung metal na timba sa malulutong na pagkakasampal ko nito sa mukha niya.

"Woa," Narinig ko pang reaksyon nung crowd. Pero marahas ko lamang na hinigit ang kwelyo ng lalaking manyak na ito saka pinakatitignan siya sa mata. "Ulitin mo pa ang ginawa mo at hindi lang 'yan ang matitikman mo sa 'king tang ina ka."

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now