Kabanata 24

530 12 0
                                    

Ouch. Pain. Pighati. Lumbay Agleya, may Agneya palang nag-eexist.

Smell something fishy M'ciants?

KABANATA 24

"Y-yeah?" nanginginig na boses na pagkibo ko kalaunan pero hindi ko na siya narinig pang magsalita.

My heart melted in painful way.

Napahikbi pa ako habang nakasubsob sa dibdib niya. Nakapikit ang mga mata habang lulan nang kahabag-habag na ekspresyon. Bagsak ang balikat habang yakap yakap na siya.

Napakuyom ang kamao. Para akong nabingi sa katotohanan.. Panay ang paghilab ng sakit dito sa dibdib ko, at ang pag-init ng hapdi rito sa puso ko.

Muli akong napahikbi.

Ang kaninang luha ng kasiyahan ay nag-init sa mas masakit na kasawian.

"B-Bakit Zarleus.. Bakit kaylangan mo akong saktan ng ganito?" puno nang sakit na tanong ko kahit alam kong nasa mahimbing na siyang tulog, at hindi na sasagot pa sa akin.

Mahina akong natawa pero hindi katulad ng dati, wala na iyong saya. Walang ka-buhay buhay ko siyang tinignan, at hinalikan sa noo matapos mapagpasyahang tumayo muna.

Kumuha ako nang pampalit niya at binihisan siya kahit tila naging lantang gulay ang katawan ko sa narinig mula sa kanya kanina.

Kaylangan kong kumilos. Mamaya.. matuyo ang pawis sa likuran niya at magsakit pa; isang bagay na hindi ko yata kayang makita.

Hindi baleng ako nalang.. 'wag lang siya, wag lang 'yung Zarleus ko.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa masarap na amoy nang pagkain. Mukhang nagluto ng agahan si Zarleus. Pero hindi ako bumangon, at nagsumiksik pa sa kama.

Hindi ko alam pero parang ayoko muna siyang harapin ngayong araw.

Ang sama ng pakiramdam, at loob ko. Mamaya ay may masabi pa akong hindi maganda sa kanya dahil sa nangyare kagabi, at sa natuklasan ko kay Markus.

"Agleya.. Wake up na," naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa pisnge ko.

Umiling ako. "N-Naantok pa ako.."

"I cooked your favorite breakfast.." he said, trying to get my attention.

I groaned in annoyance. "Mauna ka na.."

"No, hindi ako mag-aagahan." Nagsalubong ang kilay ko at nagtanong, "At bakit?"

"May kaylangan kase akong ayusin sa headquarters."

"Doon ka rin ba nagpunta kahapon, at nung nakaraan?" tanong ko habang nakasubsob pa rin sa unan.

"Yes.." he answered that made nodded. "Okay, umalis ka na."

Napabuntong hininga naman siya. Mukhang nase-sense nang wala ako sa mood ngayong araw. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit niya pa sa akin, at paghalik sa ulunan ko nang hindi ko na siya kibuin pa.

"Fine, but eat okay? Hindi mo ginalaw 'yung mga niluto kong pagkain sa ref kahapon Agleya kaya nakakasigurado akong walang gaanung laman iyang tiyan mo ngayon. And I don't like that. Mas gugustuhin kong makita kang kumain ng marami kaysa ang magpalipas ng gutom, babe." mahinang bulong niya sa tainga ko.

Hindi ako makapagsalita. Nawalan ng boses ang bibig ko. Kaya mas pinili kong tumahimik nalamang at iparamdam sa kanya na hindi ko siya kikibuin muli.

He sighed, and caressed my hair. "I'll go now, Agleya."

Sa narinig kong iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Gusto ko talagang umalis muna siya at hindi siya makita. Ayoko kaseng makita niyang namamaga ang mga mata ko.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now