Kabanata 08

790 29 3
                                    

Good moaning, M'ciants! Sorry kung walang update ng two days, wala akong load nung nakaraang araw eh HAHAHA

So 'yon, happy reading!

KABANATA 08

Minsan iniisip ko kung papaanong nabitin pa ako kasama ang lalaking ito ng buong maghapon nung lumabas na kami sa resto.

Yes, imbes na tanghalian lang kami roon ay buong maghapon na. Although wala naman akong po-problemahin dahil sagot niya ang lahat.

Bukod sa lagi kong pinapaalala na libre niya dapat ay mukhang 'di naman siya papayag na ako ang sasagot sa mga kinain namin.

At dahil lubos namang makapal ang mukha ko ay nagpa-take out pa ako para sa gabihan ko dahil magdidilim na.

Pumayag naman kaagad siya at walang sinabi.

Tulad nung una ko siyang makita ay napansin kong seryoso lang talaga ang nagiging ekspresyon niya sa lahat ng bagay pero kapag napagmamasdan ng maayos ang mga mata niya ay makikita roon ang unti-unting pagbabago.

At bagaman may kislap na kung anong emosyon roon ay masasabi kong magaling siyang magtago ng emosyon.

Na tila ba lahat ng dapat niyang maramdaman ay kontrolado at nasa ayos dahil kung hindi ay siya mismo ang lalaban kapag bumigay na ito o lumusot para kumawala.

Pero imbes na magseryoso gaya niya ay namangha ako.

I found his attitude so amusing to the point na hindi na mawala pa ang kilig na nararamdaman ko, at ngisi na kanina pa nakapaskil sa labi ko para tuksuhin siya.

"Grabe ka manlibre, boss! Sobra sobra na ito, oh." Itinaas ko ang dalawang paper bag na naglalaman ng iba't ibang set ng food.

At sa presyo nito kanina, kung gaano ito kamahal ay 'di ko na sinulyapan pa. Baka mamaya ako na mismo ang magbago ng desisyon ko, at tanggihan ang binabalak kong pagtake-out ng pagkain.

Masyado akong nahihiya sa presyo dahil sa mundo ngayon.. mahirap na talagang magkapera.

Na kahit mukhang mayaman naman itong lalaking katabi ko sa paglalakad ay ayokong gasta lang ng gasta.

"That's just nothing, Ley. The price can't even damage my bank account." he said truthfully making me cringe a little. "Talaga ba? Magkano ba lahat ng kinain natin, at itong tinake out ko?"

"By seeing whats money means for you.." Pinagmasdan niya ang mukha ko saka tila natatawang napailing. "The payment that minus my digit from that italian restaurant.. I know you can't take it."

Bumusangot ako. "Yabang nito! Bakit 'di mo ako subukan?"

"Really?" Huminto siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

"Oo talaga. Gusto mo pa bigyan kita ng french kiss kapag nagulat ako sa presyo, eh." Paghahamon ko pa sa kanya.

"A-huh.." Ngumisi siya sa akin saka inilapit ang mukha sa mukha ko. "That's deal of yours is really tempting but.."

"Ha, sabi ko na nga ba eh. Malamang sa malamang ay hindi ako magugulat dyan sa presyo—"

"Just the italian pizza we ate after our lunch cost half a millions already, babe." pagputol na sabi niya na kinanganga ng bibig ko.

Umiling ako sa kanya at bahagyang natawa. Binibigyan ko siya ng ekspresyong hindi naniniwala dahil hindi naman talaga kapani-paniwalang milyones na ang pizza-ng tinutukoy niya.

Ano 'yon gold?!

Pero nang ipakita niya sa akin ang screen receipt na nirecord sa cellphone niya kanina nung mismong chef ay halos hindi ako kumurap! At nang isa-isahin ko ang bawat presyo ng food set na kinain namin ay tila sinampal ako ng kahirapan.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin